BIRTH DAY 5-days ago, ng unang punta ni Micah, sa pribadong isla na pagmamay-ari ni Liam. Ngayon ay nag mukhang mala-paraiso sa ganda ang lugar. Perpekto ang pagkakagawa ng dekorasyon. Kapansin pansin din ang mga fresh flowers white roses. Nagkalat iyon sa dalampasigan paakyat sa resort. At puzzle iyon kay Micah, dahil ang alam niya ay kaarawan lang ni Liam, ang araw na yon. Pero bakit ang daming bulaklak at sa kasal lang niya nakikita ang ganitong dekorasyon. Nagsimulang magdatingan ang mga bisita, lahat ay sakay ng chopper o ‘di kaya naman ay yacht at speed boat. At wala naman nang bago sa mga bisita, sa pamilya pa lang ni Liam, sobrang dami na. Ganun din ang mga kaibigan. Plus mga company employee at lahat ng mga tauhan. “Bakit may ganito? Hindi naman ako ang celebrant para ayusan