HINDI makapaniwala si Micah, sa nakikita. Naroon sila sa isang resort, doon siya dinala ni Liam. Nasa gitna iyon ng dagat. Maliit lang ang isla na yon at nasa mismong pangalan niya. Hinatid sila sa Isla ng bangkang de motor na sinakyan nila. “Paano nangyari na nasa pangalan ko ang lugar na ito?” “Matagal ko na itong nabili, pero walang pangalan. Dahil hindi pa kita kilala noon. Kailan lang ito nabigyan ng pangalan nang malaman ko na ikaw ang babaeng matagal ko ng hinahanap.” “Ganun ba yon?” nakaramdam ng hiya si Micah. Ganito ba siya kahalaga kay Liam? Samantalang wala siyang ginawa kundi magtago dito noon. “Baby, halika ipapakita ko sayo ang buong resort. Hindi ko pa sana ito sasabihin sayo kaya lang hindi na ako makapag hintay pa. Sobrang excited na ako na ipakita sayo ang lahat ng