TULUYANG nagising si Micah, dahil sa kakaibang amoy. Pagmulat niya ng mga mata nakatayo ang tatlong lalaki sa buhay niya. Si Liam, hawak ang tray na may umuusok na cape, at warm milk. Sa tabi nito si NK, may hawak din tray na may hot cake with syrup. Ganun din ang tray na hawak ni CK, meron fried rice with ham and egg sunny side up. “Good morning mommy, breakfast in bed.” malapat ang ngiti ng tatlo. Kaya agad siyang bumangon lalo at nakikita niyang nangangalay na ang kambal sa hawak ng mga ito. “Good morning mga anak ganun din sayo. Daddy Liam.” nakangiti niyang sagot saka agad na kinuha sa kamay ng mga anak ang tray. Dinala niya iyon sa veranda, ngunit napalingon nang maramdaman walang sumunod sa kaniya. “Bakit nakatayo kayo dyan dito tayo kumain?” “Kung sa veranda po tayo kakain hin