BAGO nagtungo sa airport, siniguro na malinis ang pangalan nila at walang haharang sa kanilang dalawa. Kaya nang makalampas sa immigration ay nakahinga ng maluwag silang dalawa. Business class ang upuan nilang magkaibigan at ayaw ni Micah, sa VIP. Kahit ilang beses siyang kinukulit ni Lady Monster. “Mic, pagdating pala natin sa Pinas, may mission ba ulit tayo?” tanong sa kaniya ni Princess Maxine Raccia. “Bakit mo tinatanong, hindi pa nga tayo na nakabalik sa sarili nating bansa. Pagkatapos mission agad ang inaalam mo?” “Oo, nabitin ako sa mission natin dito.” “Willing ka ba na samahan ako?” naninigurado na tanong ni Micah, sa kaibigan.” “Syempre naman, saan ba yon?” “Sa Japan, may kakaiba kay lolo. At ayaw kong pagsisihan ko sa bandang huli. Kapag patuloy ko siyang iniignora. Sa m