NAIWAN ng flight si Lady Frozen at Lady Monster. Dahil sa kakulitan nitong balikan ang iba pang buhay sa mga kalaban. Kaya muntik na silang napasama sa mga dinala ng nang mga awtoridad. Ang tanging nagawa nila ay kung saan saang lugar sila tumakbo na dalawa huwag lang madakip ng mga pulis. Mabuti na lang din deleted lahat ng cctv sa buong building. Ganun din sa kahit saang panig ng compound. Ngayon kailangan nilang mag disguise. Sapagkat may nakakakilala kay Lady Frozen. At kung pwede lang lalagyan niya ng packing tape ang bibig ni Lady Monster. Ang ingay habang magkasunod silang naglalakad sa makitid na eskinita. Wala yata talagang pakialam ang babaeng ito kahit mabulabog pa ang mga taong tulog. Ang dinadaan nilang eskinita ay maraming bahay sa magkabilang side. “Mic, bakit kailangan