UMANGAT ang kamay ni CK, upang haplusin ang pisngi ng asawa. Dahan dahan bumaba ang mukha hanggang maghinang ang mga labi nila. Tila naparalisado naman ang katawan ni Aiko at hindi na magawang gumalaw. Kahit ang mga kamay niya ay nawalan na rin ng lakas upang tutulan ang ginagawa ng asawa. “I want you, asawa ko.” anas ni CK nang bahagyang bitawan ang labi nito. At ang pagkakataon na yon ang nabigay ng lakas kay Aiko upang itulak ang chairman. Dahil kapag hinayaan pa niyang magpatuloy ito sa ginagawa sa kaniya. Sigurado titiklop na ang mga tuhod niya at magpapaubaya. Hindi siya dapat mahulog sa kagwapuhan at karisma ng asawa. Panigurado masasaktan lamang at iiyak siya. Ang tipo ng kaniyang asawa ay napapalibutan ng mga babae. Napatunayan na niya iyon ng ilang beses makita ito sa mga b