GISING na si CK, mula sa operasyon pero agad din pumikit ng makitang nasa gilid ng higaan si Aiko. Hawak din nito ang kamay niya at ayaw niyang maputol ang kasiyahang nadarama. Kahit masakit ang sugat niya ay balewala na yon sa kaniya. Ang tanging mahalaga ang binibigay nitong atensyon. “Sige magpatuloy ka pa sa pagpapanggap na tulog at sasapakin kita.” Napadilat agad si CK pero hindi niya pinakawalan ang kamay ng asawa kahit hinihila nito. ngumiti na rin siya at tinitigan ang mukha nito. Napakaganda talaga ng kaniyang mahal… “sh*t! nasabi ko bang mahal ko na siya?” “Anong sab imo?” “H-Ha? W-Wala naman, ahm… asawa ko, thank you pala at inaalagaan mo ako.” “Hindi ako ang nag-alaga sayo sa katunayan kararating ko lang saka bakit ko naman yon gagawin?” “Kung ganun saan ka naman galing ku