KAHIT ilang beses nang pabalik balik si CK, sa harapan ni Aiko. Hindi man lang siya nito tinapunan kahit konting sulyap. At mas lalong kinain siya ng selos dahil obvious naman ang ipinakikita sa kaniya nitong pambabalewala ay dahil sa lalaking yon. Kailangan umisip siya ng paraan na makuha ang atensyon ng asawa. Dahil pag kinumpronta pa niya ito baka mas lalong magalit sa kaniya. At kumislap ang isang ideya nakakasiguro siyang lalapitan siya agad ni Aiko. “Ouch! Asawa ko ang s-sakit ng tiyan ko. D-Dalhin mo ako sa o-ospital.” hawak ang kaniyang tiyan at bahagyang nakayuko. Kailangan epektibo ang drama nya at makuha talaga niya ang pansin ni Aiko. Subalit tinalikuran siya nito at sinagot ang tumatawag sa cellphone nito. “Yes, Attorney, may balita na ba kay Jommel?” sa narinig ay muling n