HABANG palayo si CK sa asawa ay napapangiti siya. “CK, naka halik ka na naman.” Tudyo ng kaniyang isipan at bahagyang napangiti. Nang makalapit sa pinsan agad niya itong kinausap. Inuna niyang sabihin na hindi dapat makalabas ng bansa ang buong pamilya ni Mr. Eddie Mortez. Sapagkat baka pumunta ito sa Japan Main office, iyon ang mahigpit na bilin ng kaniyang ama. Kailangan hindi makapasok ng main office ang tiyuhin ng kaniyang asawa. Ganun din sa iba pang AJSuzuki Motors Company branch sa ibang panig ng mundo. Mas mahihirapan silang gumalaw kapag nakalabas ng bansa ang matandang yon. “Ako na ang bahala sa buong pamilya ni Mr. Eddie Mortez. At tungkol sa mga security guard at bodyguard na kailangan ng asawa mo. Bukas pa sila makakapag report, but don’t worry iiwan ko muna dito ang mga t