LIMANG araw na si Micah, sa Bansang Morocco. Sa isang magulong lugar siya nag-rent ng maliit na silid. Bawat detalye na natatanggap niya mula kay Mr. Mike, masinsinan niyang pinag aaralan. Hindi biro ang organisasyon na papasukin nila ng mga kaibigan at ibang grupong kaalyado. Konting pagkakamali maaaring may mamatay sa kanila. Pero kakaiba ang araw na ito kanina pa siya naghihintay. Ngunit wala pa rin siyang natanggap na mensahe mula kay Mr. Mike. Nagpasya siyang tawagan na si Senyor Nikolai. Sapagkat kakaiba ang kaniyang pakiramdam. Meron something na nangyayari sigurado siya doon. Ang kaba sa kaniyang dibdib ay may kasama ng pangamba para sa kaligtasan Liam. “Senyor Nikolai, it’s time, ayaw ko ng maghintay pa. Dahil bigla na lang naputol ang komunikasyon namin ni Mr. Mike. “Copy, ma