NAGISING si Micah, ngunit wala na si Liam, ang dalawang anak na lang nila ang katabi niya. Napansin niya ang note sa ibabaw ng bedside table. Dinampot niya iyon at binasa. Agd nakaramdam siya ng lungkot. Hindi rin mapigilan mag-alala lalo pa at nalaman niya ang gagawin pag tiwalag nito sa organisasyon. “Mommy ko, umalis na po si Daddy?” Tanong ng kagigising na si NK. “Oo anak, kanina pang 4:30 ng umaga.” “Kailan po siya babalik sa atin?” “Pag hindi siya busy sa trabaho uuwi iyon sa atin upang bisitahin kayo.” “Bakit po kailangan sa malayong lugar pa siya mag trabaho. Sabi naman po ni Uncle Levi, meron siyang trabaho dito sa Montemayor’s company?” “Yes, anak tama meron naman trabaho dito ang inyong daddy. Siya ang CEO, sa kumpanya na ibinigay ng iyong lolo. Ganun din ang iba pang Bra