NAGISING si Liam, dahil sa makating ilong. At namulatan niya ng mga mata ang dalawang anak. Nakaupo sa magkabila niyang gilid at may hawak na feathers. Gamit sa pag kalikot sa kaniyang ilong. “Daddy, may sakit ka po ba bakit nakahiga ka pa eh malapit nang mag-lunch?” tanong ni Niko Kairo. Kaya agad na tumingin si Liam, sa digital clock na naroon sa bedside table. Almost eleven na nga ng tanghali. Ganun pa man ay bumangon na siya maayos na rin ang pakiramdam niya. “Ang mommy nyo nasaan siya?” “Naroon po sa kitchen at nagluluto.” “Bakit siya ang nagluluto… oh, nakalimutan ko naririto pala tayo sa penthouse niya.” “Wala naman po ditong kasambahay. Kaya si Mommy Micah, ang gumagawa sa kusina.” sagot ni Chaus Kenzo. “Ang mabuti pa ay tulungan na lang natin ang mommy nyo.” “Sige po, dadd