KAHARAP ni Aiko ang kapatid masasalamin sa mukha nito ang pagkabalisa. Kaya sa halip na sermunan ito ay hindi niya ginawa. “Anong binabalak mo ngayon?” tanong ni Aiko kay Jommel. “Kagaya ng nais mo babalik ako ng UK, at pamahalaan ko ang mga kumpanya na nasasakupan ko.” “Good, mabuti naman kung ganun, kasama mo ba ang babaeng yon?” “May pangalan siya Ate Aiko, yeah, magkasama kaming pupunta ng UK. Ang sabi ni Tito Rio meron na rin schedule ang therapy niya.” “Are you in love with her?” “Ewan ko, hindi ko din sigurado lalo at kailan lang naman kami nagkakilala.” “Kausapin mo ang Kuya Chaus, maiwan na kita.” tumayo na mula sa mahabang sofa si Aiko. “Sige, ahm… Ate Aiko, sorry kung na bigyan kita ng mga alalahanin. Hindi ko rin akalain na mangyayari ang ganito sa akin.” “Do your job