EPISODE- 74

1529 Words

BINIGAY ni Aiko ang buong detalye kung saan nakakulong ang tiyuhin. Kung noon kahit gaano pa kasama ang tiyuhin ayaw niya pa rin itong gantihan. Pero ngayon na nakita niya ang patunay na wala talaga itong puso. Hindi niya na ito bibigyan ng pagkakataon. Dahil sa kakabigay niya baka isa sa mga araw na ito mataymingan siya o ang kapatid sigurado hindi sila bubuhayin nito. Walang mahalaga sa tiyuhin kundi pera, kasikatan at koneksyon. “Mag-ingat kayo, walang nakakaalam kung sino ang kalaban.” mahigpit ang bilin niya sa mga kasamahan. “Huwag mo kaming alalahanin, Team Leader, maghintay ka lang dyan ng balita.” wika ng kanang kamay niya na si Aureen. “Anong oras ang mission lakad nyo?” “After midnight, basta bukas pag gising mo tapos na ang problema mo.” naninigurado na wika ni Aureen.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD