A few months later… “Aiko Jane Suzuki, please be my wife again?” Nanglaki ang mga mata ni Aiko sa narinig. At kasabay sa pagsindi ng spot light nakita niyang lumuhod ang asawa sa kaniyang harapan. Naririto sila sa roof top ng kanilang mansion. Ang buong akala niya ay magpapahangin lamang sila doon. At ngayon niya naunawaan kung bakit hindi siya hinayaan ni Chaus magbihis muna. Galing sila sa opening ng bagong branch game center. At akala niya kaya siya dinala ng asawa sa lugar na yon dahil nais nitong makita nila ang napakaraming bituin. Sa orasan niya ay almost eight ng gabi. Madilim ang paligid tanging spot light lang sa kinatatayuan niya at nakaluhod na asawa ang liwanag. “Asawa ko?” tila naiinip na tawag ni CK, kay Aiko. “Yes, Chaus, I will marry you again.” Saka nilahad ang kam