NIKO KAIRO & HANNAH REESE “Maganda ka lang pero walang laman ang utak mo! Isang buwan ka pa lang dito pero sinira mo na agad ang imahe ng Casino. Dahil sa ginawa mong p*******t sa customer na yon, get out!” “S-Sorry po, chairman, pero wala po akong kasalanan sa nangyari. Pagpasok ko sa VIP room upang ihatid ang order nilang inumin nasa sahig na ang lalaking yon. Nag-iisa din siya at meron sugat sa ulo.” “Liar! Siguro iniisip mo na babayaran ka niya ng malaking halaga kaya mo siya naisipan i-seduce!” singhal sa kaniya ng chairman. Hindi na lang siya sumagot dahil mas lalo lang itong magagalit. Amo pa rin niya ito at hindi niya dapat sagutin. Ganun pa man ay ilang segundo siyang tumitig sa chairman. Sinamantala niya ang pagkakayuko nito ng ulo sa kaharap na laptop. Maya maya din ay daha