UMUWI ng Japan, si Micah, dahil nakatanggap siya ng mensahe mula sa kaniyang abuelo. Hindi na siya maghihintay magpadala pa ng mga tauhan ang lolo niya para sapilitan siyang pauwiin. Habang sakay ng eroplano ay hindi mawala sa isipan si Liam. Nagsisisi siya na hindi man lang niya nakasama ang binata. Ngayon na walang kasiguraduhan kung kailan siya makakabalik ng Bansang Pilipinas. Lalo pa at meron siyang natanggap na impormasyon malaki ang problemang kinakaharap ng buong pamilya nila. Sinikap na makatulog ni Micah, dahil alam niya pagdating niya ng Japan. Wala siyang karapatan magpahinga. Lalo pa at ang abuelo niya ang nagpatawag sa kaniya. At sigurado makakatikim na naman siya ng masasakit na salita mula dito. Kasalanan naman niya kaya wala siyang karapatan mag reklamo. Hindi naman ka