KARARATING ni Liam, mula sa dinaluhan wedding anniversary ng mga magulang na ginanap sa ibang bansa. At tatlong araw siyang nawala kaya miss na niya ai Micah. Kahit bagong dating mula sa mahabang biyahe. Hindi man lamang siya nakaramdam ng pagod. Walang nasa isipan kundi makita ang babaeng minamahal. “Brother, saan ka pupunta ay kararating lang natin?” salubong ang kilay na tanong ni Levi. “Pupuntahan ko si Micah, dyan muna kayo at aalis na ako…” “Wala siya dito sa Pilipinas.” Mabilis na sagot ni Savannah.” “Hipag, anong ibig mong sabihin?” “Pagkaalis nyo, nang sumunod na araw ay umalis din siya. Ang sabi pa ay walang kasiguraduhan kung kailan ang balik niya.” “Huwag mo akong biruin ng ganyan, hipag. Sige na maiwan ko muna kayong dalawa.” at humakbang na si Liam, patungong pintuan.