TURNOVER with a new chairman into the AJSuzuki Motors Companies in UK. At habang nagsasalita ang kapatid na si Jommel o sa tunay na pangalan nito na si John Melvin Suzuki, isang may edad na lalaki ang lumapit kay CK. Hindi sana niyo ito papansin pero parang familiar sa kaniya. “Kumusta Kenzo, natatandaan mo pa ba ako?” hindi sumagot si CK, pero iniisip niya kung saan niya nakita ang ginoo. “Sa palagay ko nakalimutan mo siguro dahil ten-years old ka pa lang ng huli tayong nagkita.” Ani pa ng ginoo. “Pasensya mister…” “Rio Watanabe, ang dating diver bodyguard ng mommy mo, remember me?” “Oh, hello po Uncle Rio, pasensya na hindi agad kita nakilala.” Yumakap pa si CK, sa tinuturing na tiyunin. Na miss niya ito, naalala niya noong maliit pa siya lagi siyang nakababa sa likuran nito. “Ayos