KAGAGALING lang nila ng London, at sobrang masaya si Aiko, sampung painting ang nabili niya at na-met pa niya ang iniidolo niyang pintor. “Happy, asawa ko?” “Yeah, sobrang saya ko grabe, kahit minsan hindi pumasok sa isipan ko na tiyahin nang magiging asawa ko ang hinahangaan namin ni Mama. Sayang lang at wala na ang aking ina hindi man lang siya nakahingi ng signature ng tita mo.” Hindi napigilan ni Aiko ang mapaluha kundi pinatay ng sakim niyang tiyuhin ang parents niya buhay pa sana hanggang ngayon at kasama pa niya. “Asawa ko, wag ka ng malungkot alam ko kahit wala na ang iyong mama. Masaya siyang nakatingin sayo na makita kang nakangiti. Hindi man niya na meet in person si Tita Nica, atleast dinala ka niya sa akin upang maging daan ako na makadaupang palad mo ang pintor na hinanga