Chapter 39 3rd Person's POV Inatake ni Bazile ang taong may hawak na katana bago pa maibaon nito ang katana sa natutulog na si Keehan. Umilag si Bazile matapos may nagpaputok ng baril. Kinuha ni Bazile ang lamp shade at binato iyon sa lalaki. Magpapaputok ang lalaki nang biglang mabasag ang salamin. Bumagsak na lang ang dalawang lalaki matapos may tumamang bala sa ulo ng mga ito at galing ang bala sa labas ng kwarto. Lumingon si Bazile. Nakarinig pa siya ng sunod-sunod na putok ng baril mula sa labas. Narinig ang boses ni Grim mula sa labas ng kwarto. "Kuya!" Bumukas ang pinto. Pumasok si Grim at nakita niya ang dalawang lalaki sa sahig. Sinabi ni Grim na ilabas si Keehan doon at dalhin sa library. Puro pader doon at walang bintana. Pinaka-safe din doon dahil sound proof. Luma