Chapter 40 3rd Person's POV Bumagsak ang pintuan. Nagulat sina Gaizer at napatakbo sa side kung nasaan sina Wax na napatili dahil sa gulat. "f**k! Keehan run!" sigaw ni Elliseo. Tumayo si Elliseo at mahigpit na hinawakan ang patalim na babaon sa kaniya. "Alam mo sayang ka. Kung tinanggap mo ang offer ko 'nong una. Hindi ka mamatay ngayon," ani ng babae. Dumilim ang mukha ni Elliseo. "Shut up b***h! Hindi ko ta-traydurin ang mga kaibigan ko para lang sa posisyon at pera," ani ni Elliseo. Sumigaw si Miguel at tinawag si Elliseo. "Then panoorin mo patayin ko isa-isa ang mga kaibigan mo at asawa mo." Umatake si Keehan. Nagulat si Elliseo matapos hablutin ni Keehan ang leeg ng babae at inangat. Nabitawan ng babae ang espada. "Sinong papatayin mo?" Napatigil ang babae matapos makit