CHAPTER 7

4200 Words
Hindi ako mahilig manood ng basketball ngunit ayaw pumayag ni Marian na maiwan lang ako sa bahay. Pinagtitinginan kami ng mga tao pero keber lang ako at nauna na akong pumasok sa basketball court at kaagad na naghanap ng magandang pwesto. Sakto naman na nang maupo na kami ni Marian ay nakita ko si Jericho sa kabilang side ng court at may katabi itong babae. Sa totoo lang ay hindi ko nagustuhan ang aking reaksyon nang makita ko siyang may katabing iba dahil wala akong karapatan na makaramdam ng pagseselos. Wala naman kasing kami. “Sino ‘yon?” Tinanong ko si Marian habang itinuro ng aking nguso ang kinaroroonan ni Jericho. “Ha?” “Sino ‘yong katabi niya?” “Baka nobya niya,” sagot ni Marian at tumango lang ako habang nagtagis ang aking mga panga. My God, ang sarap nilang tirisin! Base sa aking obserbasyon ay medyo malandi ang babaeng katabi ni Jericho. Masyado kasi itong touching at ewan ko ba kung bakit napapansin ko ang bawat galaw ng babaeng ‘yon. Sinubukan kong ignorahin ang dalawa ngunit hindi nakaligtas mula sa aking mapagmatyag na mata kung paano ipinatong ng babae ang kamay nito sa hita ng lalaki. Teka, iyon ba ang crush ni Jericho? Pwes, hindi sila bagay! Nag-alburuto ang aking damdamin dahil sa aking nasaksihan. Ang close kasi nilang dalawa, eh! Halos magkadikit na ang kanilang mukha habang nag-uusap! Dahil sa nangyari last night ay wala ako sa mood na kausapin si Jericho nang pumunta ito sa bahay. Inutusan daw siya ng kanyang lola na bigyan ako ng salad. As if hindi ko afford ang kumain ng salad! Sa totoo lang ay gusto kong itapon sa mukha niya ang malamig na dessert. “Bad mood ka yata ngayon,” sabi ni Jericho nang mapansin nitong nakasimangot ako. “Oo,” ang tanging sagot ko at tumango lang ito. “Kung ganun ay hindi na ako magtatagal, Kylie.” “Sige,” sabi ko. Mabuti na rin siguro kung unti-unti na akong lalayo sa kanya kasi habang tumatagal ay parang hinahanap-hanap ko na siya. Tila ba, attracted na ako sa kanya at nagka-crush na rin ako sa binatilyong lagi kong kasama. Hindi ko alam kung paano koi to ipapaliwanag ngunit unti-unti ay nahulog na ako sa kanya, at hindi tama ‘yon, considering my marital status. Kung simpleng pagka-crush lang sana ang aking naramdaman sa kanya ay okey lang siguro, kaya lang, feeling ko ay higit pa sa crush ang naramdaman ko sa kanya.   “Ate!” Nagulat ako nang biglang dumating si EJ sa bahay namin at abot-teynga ang ngiti nito. “Ikaw pala, EJ. Bakit ka narito?” “May itatanong lang sana ako. Birthday kasi ni Kuya bukas at hindi ko alam kung ano ang ibibigay kong regalo sa kanya.” “Birthday niya bukas? So, may handaan sa inyo?” “Yeah at narinig ko na imbitado ka raw sabi niya,” sagot ni EJ. Imbitado ako? Eh hindi ko nga alam na kaarawan niya pala bukas! Kaya ngumiti na lang ako kay EJ bago nag-suggest ng mga bagay na magandang iregalo sa kanyang kapatid. Kinabukasan, hinintay ko na magtext siya sa akin upang imbitahan ako sa birthday niya ngunit wala talaga. Lumagpas na lang ang lunchtime ngunit wala pa rin akong balita mula kay Jericho. Bakit ba kasi ako umasa na imbitado nga ako? Ang ginawa ko ay nagtungo na lang ako sa kusina at naghanap ng masarap na putahe mula sa cookbook at magluluto na lang ako. Panghandaan na pagkain? Kaya ko namang lutuin ‘yon, eh! Ano ngayon kung hindi nga ako imbitado? “Mamamasyal lang kami ni Karla,” paalam ni Marian at tumango lang ako kasi hindi naman akong p’wedeng sumama. Abala ako sa pagbi-bake ng cake at sa pagluluto ng ulam. Bandang mga alas singko ng hapon ay tumawag si Marian na mamaya na uuwi kasi nasa bahay sila ng kanyang parents. Umuo lang ako. Pagsapit ng dinner ay hindi pa rin umuwi ang dalawa pero hindi naman ako nag-alala kasi mapagkatiwalaan ko naman si Marian pagdating kay Karla. Pagkatapos kong kumain ng hapunan ay nagtimpa ako ng kape, kumuha ng cake at dinala koi to sa sala at nanood ng palabas. Bawat patak ng oras ay mas lalo lang akong nainis kay Jericho dahil kinalimutan na niya talaga ako. Pati si EJ ay hindi rin ako naalala.  Trying hard akong mag-enjoy sa pinanood na pelikula ngunit wala naman talaga sa movie ang aking isipan. Nang marinig kong may kumatok sa pintuan ay napangisi ako dahil sa aking palagay ay si Jericho ‘yon. Mabilis akong nagtungo sa may pintuan at binuksan ito. Walang tao! Pakiramdam ko ay pinaglaruan ako ng mga engkanto kaya bigla akong nanginig sa takot lalo na at mag-isa lang ako sa bahay. Mabilis akong pumasok sa bahay at isasara ko n asana ang pinto nang may makita akong kamay. “Hi Kylie!” “Hoy, Jericho! Paano kong inatake ako sa puso?” “Grabe ka naman! Ganyan ka na ba ka nerbyosa?” “Kung ikaw kaya ang nasa kalagayan ko, salbahe ka talaga!” “Sorry na, Kylie. Huwag ka ng magalit sa akin, birthday ko pa naman ngayon,” sabi nito.  “Tse! Happy birthday sayo. May regalo sana ako pero cancel na ‘yon dahil tinakot mo ako,” nakasimangot kong sabi sa kanya. “Sorry na, akala ko kasi ay matutuwa ka, eh. Tara na? Hinintay ka na nila sa bahay,” pahayag ng lalaki. Ay, ibang klase rin kung mag-imbita si Jericho. Ora-orada at hindi pwedeng tumanggi. “Magbibihis lang ako ha,” sabi ko. “Ay wait, itext ko muna si Marian, baka magtataka siya kung walang tao rito sa kanilang pag-uwi.” “Nasa bahay na sila,” sagot ni Jericho. Pagdating namin sa kanilang bahay, bahagya akong nakaramdam ng hiya. Natakot akong pumasok dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa loob. Hindi ko alam kung paano pakikitunguhan ang ilang kapitbahay at pati na rin ang mga magulang ng binata. Mabuti na lang at kaagad na sumalubong si EJ at nakampante ako. Alam ko kasi na magiging busy si Jericho sa ibang bisita nito. Kung kanina ay magkahalong excitement at pangamba ang aking naramdaman, bigla itong napalitan ng pagkainis nang makita ko ang isang babae na ayaw ko sanang makita. Mabuti sana kung sinabayan niya akong kumain pero hindi,eh! Sinamahan lang niya ako sa may mesa at kaagad na rin itong umalis at nagtungo sa kinauupuan ng naturang babae. Halos hindi ko malunok ang lechon manok na aking isinubo! Nakatuon lang ang aking mga mata kay Jericho na laging nakabuntot sa babaeng ‘yon. Isang beses, nakita kong inakbayan ng lalaki ang babae at biglang nanlamig ang mga kamay ko sa sobrang pagseselos. Kung walang relasyon ang dalawa, bakit hindi nag-react ang babae noong ipinatong ni Jericho ang kanyang binti sa binti ng babae? Base sa kanilang aksyon ay masasabi kong may relasyon ang dalawa. Nag-iba ako ng tingin kasi hindi ko kinaya ang aking nasaksihan. Wala akong karapatan na makaramdam ng panibugho pero hindi ko na mapigilan ang sarili ko na magselos. Gusto ko silang paghiwalayin pero wala akong magawa. Kaya lihim akong nagdurusa! Siguro ay nakarma kaagad ako dahil nakalimutan ko na may asawa pa akong tao. Tapos na akong kumain at ganun din ang ibang bisita at ang iba naman ay nagkasiyahan na. Lumapit sa akin si Marian at nagsabing uuwi na raw sila ni Karla dahil inaantok na ang bata. Gusto ko sanang sumama sa kanila pero biglang lumapit si Jericho at pinigilan ako. Join daw ako sa kanila na magkantahan at kahit hindi ako marunong umawit ay pumayag ako. Nangako naman kasi ang lalaki na ihatid niya ako mamaya. Habang inasikaso ni Jericho ang ilan sa mga kaibigan niya ay nakipagkwentuhan muna ako sa ibang dumalo sa kaarawan ng binata. Mga dating kapitbahay na nakiusyoso sa aking buhay at panay ang tanong kung bakit bumalik ako ng probinsya. Kung hindi lang ako nakapagtimpi, baka nakapagsalit ako ng hindi maganda. Pagsapit ng alas onse ay nagsiuwian na ang mga tao pero hindi ko talaga sinadya na marinig ang usapan ni Jericho at ng ina nito. Binalaan ng ginang ang kanyang anak na huwag masyadong lumapit sa babaeng nangangalang Anna dahil hindi raw nito gusto ang babae. Hmmmm, at least may kontrabida at pabor sa akin ‘yon. “Tara na, ihahatid na kita.” “Okay ka lang ba?” Tinanong ko siya dahil alam ko na kapag pinagsabihan ang isang binatilyo ay magrerebelde ito kaagad sa ina. Bakit naman hindi?” “Wala. Sige na , tayo na,” sabi ko. Pauwi na rin pala si Anna pero ibang motorsiklo ang sinakyan nito. Nang magpang-abot kami sa labas ng bahay, panay ang tingin nito sa amin ni Jericho. Alam ko na gusto niyang umangkas sa lalaki ngunit nahiya lang itong magsabi. Akala ko ay matatapos na ang aking pagdurusa, mali pala ako.  May usapan na pala sina Jericho, EJ, at iba pa nilang kaibigan na mamamasyal muna. Nang biglang iniliko ni Jericho ang motorsiklo ay hindi na ako nakapalag. Alangan naman kong bababa pa ako eh ang dilim kaya. “Sana’y sinabi mo sa akin ang plano mo.” “Sorry, Kylie. Si EJ kasi,” paliwanag ng binata na hindi ko naman naintindihan kung ano ang gusto niyang sabihin.  Nagulat na lang ako nang dumating kami sa parola, ang aming tambayan noong highschool, at saka inilabas ni EJ ang dalang inumin. “Bawal ba kayong uminom sa inyo?” “Hindi naman basta may okasyon,” sagot ng binata. “Kung ganun, bakit kailanga n’yo pang pumunta rito?” Habang hinihintay ko ang sagot ni Jericho ay biglang lumapit si Anna. Ngumiti ito kay Jericho at game over na para sa akin. “Kabarkada ko pala, si Anna.” Alam kong hindi mapapansin ng lalaki kung umikot man aking mga mata dahil nakatingin lang ito kay Anna. Nagpakilala rin ang babae sa akin ngunit wala akong pakialam. Sino ba siya? Naisip ko na huwag na huwag niya talaga akong inisin at baka ma-imagine ko siyang si Aika, ang kabit ng asawa kong magaling. “Dito ka muna sa motorsiklo at mag-uusap lang kami saglit,” paalam ng lalaki sa akin. Gusto ko sanang tumanggi dahil takot sa dilim ngunit umalis na kaagad ang dalawa at hindi na lumingon pa. Para akong praning na pinilit ang sariling tayna na pakinggan ang bawat salitang lalabas mula sa bibig ng dalawang ‘yon.  Kaya lang ay paano ko sila maririnig eh nagbubulungan sila? Bakit ba gusto kong marinig kung may sasabihin na something sweet or romantic si Jericho kay Anna? Ano’ng pakialam ko? Wala dapat, kaya lang ay giniginaw na ako, at sa bawat segundo na pinaghintay niya ako, mas lalo lang akong nainis. Kahit madilim ang gabi ay naaninag ko pa rin na super sweet ang dalawa habang nag-uusap. Halos magkadikit na ang kanilang mga katawan sa sobrang lapit nila sa isa’t-isa. Right there and then, I wanted to snap Anna’s neck and break it until she would die! Nang maalala ko na wala pala akong karapatan na maselos ay itinuon ko na lang ang aking pansin sa buong paligid. Pansamantala ay nakalimutan ko sina Jericho at Anna habang nagbalik-tanaw sa nakaraan. Dati-rati ay lagi kami sa parola; ako at ang mga kaklase ko noon basta bilog ang buwan. Ang parola ang naging saksi ng aming mga pangarap sa buhay, at sa katunayan ay hindi pa ako nakabalik simula nang makamit ko ang lahat ng aking gusto. Dapat pala akong magpasalamat kay Jericho dahil dinala niya ako sa parola kahit na bilang saksi lang sa kanyang panliligaw kay Anna. Paulit-ulit kong pinaalalahanan ang aking sarili na wala akong karapatan na magselos at hindi rin ako dapat magselos. Wala akong karapatan na panghimasukan ang love life ng binata at mas lalong wala akong karapatan na saktan ang babaeng iniibig nito.  “Uwi na tayo.” Nabigla ako nang magsalita si Jericho malapit sa akin. Sa lalim ng inisip ko, hindi ko man lang namalayan na lumapit pala siya. Kaya lang ay kasama nito si Anna. Para akong sinampal ng kaliwa’t kanan dahil nauna nang umangkas si Anna sa likuran ni Jericho. Wala akong choice kundi ang sumakay na lang kasi gusto ko ng matulog. Nagngitngit man aking kalooban ay wala rin naman akong magagawa pa. Pagdating sa bahay ay sinabayan pa ako ni Jericho hanggang sa may pintuan samantalang si Anna ay pinaghintay lang sa may motorsiklo. “Salamat at ginawa mo akong tanga kanina,” sabi ko sa kanya at kaagad na pumasok sa bahay. Sumilip ako at nakita kong nakayuko ang lalaki pabalik sa motoriklo at pagkatapos ay nakita kong naghalikan silang dalawa ni Anna. Kaagad akong tumalikod at mabilis pa sa alas-kwatro na pumanhik ako sa aking silid at padabog na isinara ang pinto. I went to bed with a heavy heart and I almost cried for goodness sake!  Hindi ko lubos maisip kung bakit ganun ang aking naramdaman. Nakakahiya! Sa loob ng ilang araw ay hindi ako nagparamdam o nagpakita kay Jericho. Hindi na rin ako nanood ng basketball dahil natakot akong magpang-abot kami sa plaza.  Iniwasan ko siya dahil iyon ang tama. Sa tingin ko kasi, kapag hindi kami magkikita palagi ay maiibsan ang pagka-crush ko sa kanya. Tuwing sumagi sa isip ko si Jericho ay awtomatikong maglalaro ako ng ML. Sa ganung paraan ay hindi ko na siya iisipin pa. Hanggang sa dumating ang barangay day. First time ko pang maka-attend kaya maaga pa lang ay naghanda na kami ni Karla at Marian. Hindi ko na muna inisip si Jericho dahil maiinis lang ako. Pagdating namin sa plaza ay namangha ako sa makulay na display ng sari-saring prutas at gulay. Nagsilakihan ang mga prutas at gulay nan aka-display at gusto ko sanang bumili kaya lang ay mahihirapan kaming dalhin ito pauwi. At sa aming paglilibot ay nakatagpo ko ang salitang malas. Nakita ko si Jericho sa plaza at kasama niya si Anna.  Umismid ako nang mapansin ko kung gaano sila close. Eh kung magpalit na lang kaya sila ng mukha? Ni hindi man lang sila nahiya na maglampungan sa gilid ng kalsada! Mabuti na lang at ako ang unang nakakita sa kanilang dalawa at nagawa ko pang umiwas. Nilagpasan ko ang booth kung saan naroon ang dalawa. Inakakala ko na okay lang ako ngunit nang makita ko silang dalawa ay nalaman kong hindi pa pala ako okey.  Kaagad akong nawalan ng ganang manatili sa plaza at inaya ko na si Marian na uuwi na lang kami. Ayaw pa sana nito ngunit napakiusapan ko rin sa huli na ihatid na lang kami at bumalik na siya.  Mabilis ang aking mga hakbang papunta sa nakaparada naming motorsiklo nang marinig kong may tumawag sa akin. Alam kong si Jericho ‘yon ngunit hindi ako lumingon at tuloy-tuloy lang sa paglalakad. Sa awa ng Diyos ay nakarating din kami sa bahay na maayos ngunit bigla akong kinabahan. Five minutes later, biglang dumating si Jericho at EJ. Walang ideya si Marian kung ano ang nangyari sa akin dahil kay Jericho kaya pinatuloy niya ang dalawa at nagulat na lang ako nang biglang tumabi sa akin si EJ. Bigla akong umusad sa aking kinaupuan dahil topless kasi ang binata. Nang tumingin ako sa kanyang gawi, hindi ko naiwasang tumitig sa malapad niyang dibdib at pati na rin sa mala-pandesal nitong abs. Ilang oras kaya sila nagwo-workout araw-araw at ganun na lang kaganda ang katawan ni EJ kahit disi-otso pa lang ito? Si Jericho kaya? Kaya lang nang nilingon ko ang lalaki ay kaagad nitong pinagkrus ang dalawang braso nito sa kanyang dibdib.  “Ate, hindi ka ba manonood ng basketball? Maglalaro kami ni kuya,” sabi ni EJ. “Hindi na EJ, kararating lang kasi namin, eh. Good luck na lang, sana manalo kayo.” “Magkagalit ba kayo ni Kuya?” “Ha? Hindi naman, bakit mo naitanong?” “Tinawag ka niya kanina pero deadma ka lang,” tugon ni EJ at bahagya akong napahiya sa aking ginawa dahil aminado naman ako na umasta akong parang teenager na nagtatampo kanina, eh. “Ganun ba?Ang ingay kasi sa plaza, pasensya ka na talaga Jericho ha at hindi kita narinig,” kunwari ay hindi ako guilty sa itinanong ni EJ sa akin. Ngumiti lang si Jericho sa akin kaya kinabahan ako. Alam kaya niya na nagbibigian lang ako kanina? Naks naman! “Okay lang, Kylie. So paano, hindi ka talaga manonood ng laro namin?” Napansin ko na parang may bahid ng galit ang paraan niya ng pagtatanong sa akin kaya tinaasan ko siya ng kilay. “Hindi na, pagod na rin kasi,eh.’ “Okay. May disco mamayang gabi, pupunta ka ba?” “Depende kung may kasama ako,”sagot ko kasi alangan naman kung bigla na lang akong pupunta roon kahit mag-isa lang ako eh di ang pangit ng dating nun. “Susunduin kita mamaya,” pangako ng lalaki. “Huwag na lang, baka magalit pa ang nobya mo,” sagot kot. “Wala naman akong nobya rito sa atin eh,” pahayag ng lalaki. Napabuntonghininga na lang ako habang pinakinggan ang kanyang pagsisinungaling. Kitang-kita ko na nga, magdi-deny pa. “Sinungaling,” sabi ko. “Basta mamaya Kylie ha, susunduin kita, okay?” Hindi ako sumagot ngunit nang nauna ng lumabas si EJ ay lumapit siya sa akin. “Bakit?” “Nagseselos ka ba kaya ganyan ang pakikitungo mo sa akin ngayon? Ilang araw ka ring hindi nagpakita sa akin, eh.” “Of course not!” Mariin akong tumanggi dahil wala namang mangyayari kung aamin ako. “So goodluck mamaya sa laro ninyo , galingan mo upang manalo kayo.” “Sure, see you later Kylie.” Bago umalis ang binata ay ngumiti muna siya sa akin at dahil sa ginawa nito ay halos lumundag ang aking puso sa tuwa. Pinagalitan kong muli ang aking sarili dahil may asawa pa akong tao at hindi maaari na iibig na ako sa iba. Hindi pa nga ako naka-recover mula sa kanyang matamis na ngiti kanina ay muling bumalik ang dalawa. “Anong nangyari? Cancelled ba ang laro?” Tinanong ko si EJ kasi siya ang unang pumasok at parang itinuring na kasi nito na pangalawang bahay ang tinitirhan ko. “Nagkakagulo na kasi doon,” sagot ni Jericho at pasimpleng naupo sa kabilang sofa. “Talo na kami.”  “Sayang naman, eh ‘yong disco? Matutuloy pa ba?” “Hindi rin.” “Sino ba kasi ang nagsimula ng gulo at gusto kong tirisin ang mata?” Nanggagalaiti ako sa galit dahil excited kasi akong mag-disco ulit. Ang tagal na kasi ng panahon na nakapasok ako sa sayawan dahil ayaw kasi ni Brent. “Kapatid ni Anna ang nagsimula ng gulo kaya ayun, nasa presinto na sila ngayon.” “Ate Kylie, pwede bang makigamit ng banyo?” Tanong ni EJ. “Sure, dumiretso ka lang diyan at makikita mo na ‘yon kaagad,” sabi ko dahil may common toilet naman kasi kami sa loob ng bahay at para po ‘yon sa mga bisita kung sakali. Nang makaalis si EJ ay naiwan kaming dalawa ni Jericho sa sala pero bakit ganun? Kapag kaming dalawa lang ay para akong nakukuryente sa tension? Attracted din ba siya sa akin? Ang hirap naman ng sitwasyon namin kasi kung final na lang sana ang annulment namin ni Brent, siguro ay p’wede na akong lumandi ng walang alinlangan. “Kylie…,” ibinulong ni Jericho ang aking pangalan. “Yes?” “Ang ganday mo ngayon,” sabi niya. “Araw-araw naman akong maganda, Jericho. Hindi mo lang napapansin kasi busy ka. Pero infairness ay gwapo ka rin naman,” sabi ko sa kanya. “Bakit ayaw mo sa akin?” “Ayaw ko ba sayo? Gusto naman kitang maging kaibigan, eh.” “Gusto ko more than friends tayo,” sabi niya. “Luhhh, nagbibiro ka ba? Nakalimutan mo yata na may asawa pa ako,” sagot ko sa kanya. “Hiwalay na kayo.” “Alam ko, kaya lang ay hindi naman kasi ganung kabilis ang proseso ng paghihiwalay dito sa atin. Aabutin pa siguro ng ilang taon,” paliwanag ko sa kanya. “Handa akong maghintay,” deklara ni Jericho. “Seryoso ka ba diyan sa sinasabi mo? Hindi mo kasi alam dahil bata ka pa,” paliwanag ko sa kanya. “Gusto kasi kitang maging nobya,” giit ng lalaki. “Dahil single mom ako?” Tinanong ko siya dahil iyon ang trend sa mga kabataan eh, ang makipagnobya sa isang single mom. Ewan ko ba kung bakit attracted sila sa mga babaeng katulad ko. “Hindi lang ‘yon. Bihira lang kasi ang mga babaeng katulad mo na kahit ilang beses ng inapakan ay bumangon pa rin,” paliwanag ng lalaki. “Kaya nga sinabi ko noon kay Rejil na ayokong magkaroon ng bantay upang maiwasan ang ganito,” sabi ko sa kaya. “Hindi ako bantay-salakay Kylie. Bago ka pa umuwi dito sa San Roque ay crush na kita. First time pa lang kitang nakita ay alam kong magiging espesyal ka sa akin. Kaya noong nakita kita ulit sa may bus, sumakay ako kahit ibang bus sana ang sasakyan ko.” Napakamot ako sa ulo habang nakatitig lang sa lalaki. Hindi ko kasi inasahan ang kayang paliwanag. Kaya lang ay isang pagkakamali kung papatulan ko siya at magiging unfair lang ‘yon sa lalaki. “Hindi tayo pwede,” sabi ko sa kanya. “Bakit nga? Dahil hindi ka na virgin? Okay lang naman sa akin ‘yon, hindi naman ‘yon mahalaga para sa akin. Ang importante ay mahal kita,” paliwanag ni Jericho. “Tumigil ka na please,” pakiusap ko sa kanya. Kung hindi pa kasi ito titigil ay baka matukso akong sagutin ang binatilyo. “Kylie naman,” hirit niya. “Huwag ka sanang padalos-dalos dahil bata ka pa,” paliwanag ko sa kanya. “Ano ang gusto mong gagawin ko? Makipagnobya sa iba?” “At bakit ka naman makikipagnobya sa iba?” Bahagyang tumaas ang aking boses at tiningnan siya ng masama. “Mag-aral ka ng mabuti, make your mama proud, Jericho.” “Iyon naman ang lagi kong ginagawa, lahat ng gusto nila ay sinunod ko, pero ngayon, gusto kong sundin itong puso ko.” Nakita ko sa mga mata ni Jericho na sincere siya pero talagang hindi pa pwede eh. Magkakagulo lang in the future kung susundin ko ang aking puso. “Gusto rin naman kita, pero hindi talaga tayo p’wede. Sana ay maintindihan mo,” pakiusap ko sa kanya ngunit nang yumuko siya at bahagyang gumalaw ang kanyang mga balikat, nilapitan ko siya. “Ayokong tawagin ka na kabit at mas lalong ayaw ko na masira ang pangalan mo dahil sa akin. Hintayin muna nating ma-finalize ang hiwalayan namin ni Brent, okay?” Inakala ko na hindi na siya magpapakita pa sa akin ngunit nagkamali lang pala ako dahil kinabukasan ay muling sumulpot si Jericho sa amin. Abala ako sa aking ginagawa nang dumating si Jericho at kaagad akong napangiti nang maglakad siya papalapit sa akin. “Wazzup?” “Nag-bake kasi ng cake si Mama kaya dinalhan na kita,” sabi niya sa akin habang ibinigay ang isang chocolate cake. “Salamat, pero moist ba ‘to?” “Yup. Mas masarap kasing kaining kapag moist,” sagot ng lalaki, at ewan ko ba kung bakit iba ang dating ng kanyang sagot. Parang ang bastos ng pagkakasabi, eh! “Moist din ba ang paborito mo?” Gumanti ako ng tanong ngunit bigla niya na lamang akong tinitigan. Malagkit ang ginawa niyang pagtitig sa aking mukha, hanggang sa unti-unting bumaba ang mata nito patungo sa aking diddib at pababa pa. “Hoy!” Sinaway ko kaagad siya bago pa nito marating ang parte ng aking katawan na parang maihalintulad sa isang moist chocolate cake. “Hindi ako kumakain ng cake, eh. Nakakataba po kasi,” paliwanag ng lalaki. “Okay fine. Salamat sa cake, Jericho. Sigurado ka bang alam ng mama mo na binigyan mo ako nito?” Tinanong ko siya at bigla na lang itong nag-iba ng tingin kaya nanlaki ang aking mga mata. “Hindi ka nagpaalam?” “Hindi naman niya mapapansin na kulang ng isa,” sagot ng binata. “Lagot ka! Isoli mo na lang ‘to, ayokong masabunutan ng ina mo,” sabi ko at saka ibinalik sa lalaki ang cake. “Joke lang! Syempre alam niya.” “Ikaw talaga!” Tinampal ko ang kanyang matipunong braso at sakto namang dumaan ang isang kapitbahay na halatang galing sa palengke. “Umuwi ka na, baka ma-tsismis pa tayo.” “Itext mo ako ha kung masarap ba or hindi ang moist chocolate cake,” bilin ng binata kaya nagduda ako kung ang ina ba talaga nito ang nag-bake o siya mismo. “Masusunod kamahalan,” biniro ko siya. “Ay mas bet ko kung ‘baby’ na lang,”sagot niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD