CHAPTER 8

4654 Words
Isang araw, kinailangan kong bumalik sa city upang makipagkita sa abogadong magha-handle ng kaso ko. Hindi ko alam na sinundan pala ako ni Jericho at matiyaga siyang naghintay sa akin sa may bus terminal. Ngumiti lang ako at nagpalinga-linga sa paligid na baka mayroong makakakita sa amin. “Sorry kung na-late ako ha, naaberya kasi ang jeep na sinakyan ko,” sabi ko habang umupo sa kanyang tabi at kaagad kong nalanghap ang kanyang pabango. Preskong-presko! Ang sarap i-hug! “Heto o, uminom ka muna,” at ibinigay ko sa kanya ang isang bottle ng C2 apple. “Hmmm hindi ako umiinom ng mga matatamis tulad niyan pero since galing naman sayo, atanggapin ko. Jogging na lang ako mamayang hapon or bukas ng umaga,” sabi ng lalaki. “May tumawag yata sayo.” Tipid akong ngumiti ngunit nang makilala ko kung sino ang tumawag, nako-confused ako kung dapat ko ba siyang sagutin, pero ang kulit kasi! “Si Aika, ‘yong bago ng asawa ko.” “Inaano ka niya?” “Don’t worry. Hindi niya naman kaya ang kamalditahan ko, uutang daw kasi siya ng pera para sa operasyon ni Brent.” “O tapos?” “Ayokong tumulong. Pagkatapos nila akong saktan, sa akin sila hihingi ng tulong? Hindi ako estupida upang magpadala sa mga pakiusap niya!” Hindi ko na napigilan ang sarili ko na mag-rant sa habang nakikinig ang binatilyo ngunit kanina ko pa kasi gustong sumabog. “I understand kung bakit galit ka, Kylie ngunit hindi ka naman masamang tao. Kunsensya na nila ‘yon pero huwag mo hayaang mabagabag ka in the future kasi hindi mo siya natulungan at namatay ‘yong tao na dating asawa mo.” “So ano ang gagawin ko Jericho?” “Tanungin mo muna kung magkano,” suhestiyon ng binata. Hindi ko alam kung bakit sinunod ko ang suhestiyon ni Jericho ngunit kaagad akong nagtext kay Aika kung magkano ang kailangan niya. “May project kasi ako,” sabi ko sa binata habang hinintay ang reply ni Aika at nang dumating ang mensahe nito ay hindi na ako nagulat kasi iyon naman talaga ang usual na magagastos sa ospital. “One hundred daw.” “Ang laki naman, sabihin mo na lang na fifty lang ang kaya mo,” mungkahi ng lalaki.  “Pero kung kaya mo naman ang one hunded, tanungin mo na lang siya kung kailan ka babayaran.” “Wait, bakit ang galing mo sa pera? Tinuruan ka ba ng Mama mo?” “Hindi naman pero narinig ko kay Mama na kapag may uutang daw, bawasan mo kaagad ng fifty percent, at least kung hindi ka raw babayaran, hindi masyadong masakit.” Napabuntonghininga ako kasi kahit singkwenta ay masakit pa rin sa akin ‘yon. Hindi naman kasi ako mayaman upang ituring na barya ang singkwenta-mil. Ilang buwan ko ring pinag-ipunan ang halagang ‘yon. Gaya ng sinabi ni Jericho, tinanong ko si Aika kung kailan niya ako babayaran at nang hindi siya makapagbigay ng eksaktong petsa, muli na naman akong nagdalawang-isip. Pero baka mamatay si Brent! “Feeling ko ay mawawala sa akin ng tuluyan ang perang ‘to,” sabi ko. “Hindi naman siguro. Maniwala ka lang, at kung hindi man niya babayaran ang inutang niya sayo, ako na mismo ang maniningil,” pangako ng lalaki. “Huwag na. Tutulungan naman ako ni Rejil kung sakaling tatakbuhan niya ito. Pero tama bang pahiramin ko siya? Feeling ko kasi, ang bobo ko kung tutulungan ko ang mga taong nanakit sa akin.” “Hindi ka masamang tao upang tumangging tumulong sa nangangailangan,” tugon ng lalaki. Hiningi ko ang account number ni Aika at kaagad kong ipinadala ang inutang nitong pera. Mabuti na lang at pareho kami ng bangko kasi kung hindi, mamrublema pa ako. Pero imbes na account ng babae ang ibibigay, account ni Brent ang natanggap ko at namangha na lang talaga ako. Kasi noong kami pa ni Brent ay wala akong access sa account niya. “Mas mahal niya talaga si Aika” sabi ko kay Jericho pagkatapos kong i-transfer sa account ni Brent ang pera. Kumunot ang noo ni Jericho dahil sa pagtataka. “Sabi ko, mas mahal ni Brent si Aika.”  “Paano mo nasabi?” “May access kasi ang babae sa social media niya at pati na rin sa atm nito. Amazing di ba? Ako ang pinakasalan ngunit hindi niya kayang ipagkatiwala sa akin ang access sa atm niya.” “Malungkot ka ba dahil mahal mo pa rin siya hanggang ngayon?” “Nope. Nalungkot lang ako na maling tao pala ang binigyan ko ng sobrang pagmamahal,” malungkot kong wika. “Hayaan mo na kasi na mahalin kita ng sobra,” nagparinig si Jericho. “Kaya mo bang mahalin ang isang tulad ko?” “Kylie, para sa akin, ikaw ang pinakaperpektong babae na nakilala ko. Hindi mo na mababago ang iyong nakaraan ngunit kaya mo pang baguhin ang iyong future na kasama ako,” pahayag ng lalaki. “Sana all ganyan mag-isip, Jericho. Hindi ka naman mahirap mahalin eh. Sa katunayan ay attracted na nga ako sa intelligence mo, pero magiging unfair kasi sayo kung papasok ako sa isang relasyon na hindi pa annulled ang kasal namin ni Brent.” Muli kong ipinaliwanag sa kanya ang mga posibleng mangyari kung makikipagrelasyon siya sa akin, at ayokong bigyan ng dahilan si Brent na sumbatan ako. “I understand. Maghihintay na lang ako kung kailan handa ka na,” sabi ng lalaki ngunit nang pumiyok ang boses nito ay kaagad akong napatingin sa kanya. Yumuko si Jericho at sa loob ng ilang minuto ay hindi ito nagsalita. Nagsimula na akong mabahala sa kanya kaya sinabi ko na ang naisip kong solusyon para sa aming dalawa. “Kung game ka sa walang label na relasyon, I think p’wede nating subukan.”   Biglang tumayo ang lalaki at hindi ako sinagot. Sumunod ako sa kanya at tumabi na rin ng upuan. Sumandal siya sa may bintana habang ako ay naguguluhan kong na-offend ba siya sa sinabi ko o hindi. Gusto ko sana siyang tanung kung ano ang tingin niya sa suhestiyon ko pero hindi na siya muling tumingin pa sa akin. Umalis ang bus. Dinedma niya ako. Pero okay lang. Hindi ko naman kasi siya masisisi kung na-disappoint siya sa sinabi ko pero hindi ko pa talaga kayang pumasok sa isang seryosong relasyon. Bukod sa takot akong madungisan ang kanyang pangalan, takot din akong masaktan ulit. Hindi rin naman kasi biro ang ginawa ko upang bumalik sa normal ang aking nadurog na puso. Ilang bayan na ang nadaanan namin ngunit hindi niya pa rin ako kinibo at nagsimula akong makaramdam ng pagkabahala. Ayokong mawala siya sa akin…kahit kaibigan lang. Alam kong mali ang aking nararamdaman pero sana ay tama ang mali. Nahihibang na yata ako dahil kailanman ay hindi tama ang mali. Malungkot isipin na muli akong umibig sa hindi tamang tao. In terms sa attitude at personality, walang mali kay Jericho. Mabait, matalino at masipag pa. Bonus na lang ang pagiging gwapo at macho nito dahil hindi naman abs ang basehan ko sana. Nagkataon lang na mahilig mag-gym ang lalaki kaya maganda ang porma ng kanyang katawan. Gentleman din ito ngunit ang pinaka nag-stand out sa akin ay ang pagiging mapagmahal niya sa magulang at sa kanyang lola. Kahit ilang buwan pa lang kaming magkakilala, nakaramdam na ako ng inggit sa magiging asawa nito in the future. Sweet kasi ang lalaki at sobrang thoughtful pa. Kung may Anna man na umaaligid dito, paulit-ulit din naman niyang sinabi sa akin na wala siyang gusto kay Anna at ang babae lang lapit ng lapit sa kanya. Ang masasabi ko lang ay sayang siya. Hindi kasi kami p’wede, eh! At ikinalulungkot ko ‘yon! Gusto ko siya pero maraming obstacles ang haharang sa amin kung sakaling paiiralin ko ang aking puso. Ilang beses akong umiling upang kumbinsihin ang aking sarili na hindi talaga kami p’wede. Pero bakit ganun? Nang tumingin ako sa kanya, gusto ko siyang yakapin at i-comfort na huwag ng malungkot kasi espesyal naman siya sa akin. “Jericho?” Tinawag ko ang kanyang pangalan nang malapit na kami sa Carcar kasi nabanggit niya sa akin kanina na bibili raw siya ng pasalubong para kay EJ at sa magulag niya. “Jericho?” Nang hindi sumagot ang lalaki ay hinayaan ko na lang siya at ako na ang bumili ng mga pasalubong para sa pamilya niya. Bumili na rin ako para kay Marian at sa pamilya nito kasi itinuring ko na rin silang kapamilya ko. Pagkagising ng binata ay nagpalinga-linga ito sa paligid at nang tumingin siya sa akin ay kaagad akong ngumiti. “Heto o, binilhan na kita ng pasalubong para sa pamilya mo,” sabi ko ngunit kaagad na nag-krus ang kanyang kilay at tila galit na tumingin sa akin. Bakit kaya? “Sinabi ko bang bumili ka?” Nakatitig lang si Jericho sa plastic na puno ng chicharon, rice crispies at buko pie ngunit hindi niya tinanggap. Napatiimbagang ang lalaki habang at labis akong nagtaka kung bakit nagalit siya. Isang pabor ang aking ginawa at hindi siya dapat magalit talaga. “Hindi ko sinabing ibili mo ako,” ni-rephrase lang nito ang kayang sinabi kanina pero huli na kasi nasaktan na aking damdamin. “Wala namang masama sa ginawa ko, Jericho.” Syempre nangatwiran ako. “Akala mo lang ‘yon, Kylie. Kung nasanay ka sa asawa mo na handang akuin ang lahat, huwag mong gawin sa akin ‘yon. Nakakainsulto,” wika nito. “Nakakainsulto? In what way?” “Lalaki ako Kylie, at hindi ako pabor sa ginawa mo,” rason ng lalaki. Nainsulto rin ba si Brent kaya naisipan niyang maghanap na lang ng iba? Napailing na lang ako habang pinigilan ang sarili na hanapan ng rason o excuse ang pangangaliwa ni Brent. Kung mayroon mang sisihin sa nangyari, hindi ako ‘yon. Kung may pagkukulang man ako, ewan ko lang kung ano ‘yon, kasi sobra-sobra na nga ang ibinigay ko sa kanya, p’wede naman sigurong pag-usapan. Hindi naman siya pipi, eh! Matalino rin naman siyang tao so for sure kaya niya akong kausapin pero bakit hindi niya ginawa? Kasi nagpakabobo siya sa piling ni Aika! Hindi sapat na dahilan na may lapses ako bilang asawa niya dahil simula pa lang ay alam na niya kung anong klaseng tao ako. Kung may issue siya sa ugali ko o sa pamamaraan ko, dapat ay sinabi na niya kasi hindi ko naman siya pinikot o ano. Kusa siyang nagpakasal sa akin kahit wala siyang ambag noon. “Nainsulto rin siguro si Brent sa mga style ko,” pagkuwa’y sabi ko at biglang natigilan si Jericho. “You shouldn’t blame yourself, Kylie. Ikaw ang biktima kaya tigilan mo na ang pag self-pity. Kung may problema man, hindi ikaw ‘yon, kundi siya. Tandaan mo ‘yan,” wika ni Jericho. “Alam ko naman na hindi ako nagkulang kasi ibinigay ko naman ang best ko. Sadyang hindi lang swak ang effort ko sa type niya o baka naman nagkulang talaga ako,” sabi ko. “Sabi ni Papa sa akin, kung may problema ang mag-asawa, may alitan o ano pa man, dapat pag-usapan. Hindi ‘yong basta na lang hahanapin sa ibang tao ang gusto niya na hindi kayang ibigay ng asawa. Hindi siya tunay na lalaki sa ginawa niya sayo,” dagdag pa ni Jericho na mas lalong nagpapalakas sa aking loob upang hindi sisihin ang sarili ko sa nangyari sa amin. “May nabanggit siya sa akin na masyado raw akong controlling sa kanya. Nasasakal na raw siya.” Umismid si Jericho bago nagsalita. “Marami pa siyang dahilan eh obvious naman na hindi ka niya kayang i-handle kasi strong ka. Gano’n palagi ang excuse ng mga lalaki, eh. Kunwari ay nasasakal pero pabebe lang talaga at hindi kayang i-handle ang mga katulad mong palaban sa buhay. Isipin mo ha, kung ayaw niya ang mga ginagawa mo, dapat noon pa lang ay sinabi na niya. Saka na siya nagreklamo noong may iba na siya.” “Sabagay tama ka. Hindi na nga natin pag-usapan si Brent, mas lalo lang akong na-stress dahil inutangan ako. Tatanggapin mo ba itong binili ko o hindi?” “Pasensya ka na, Kylie ngunit hindi ko tatanggapin ‘yan ng libre. Babayaran ko, magkano ba ang lahat ng ‘to?” “Three hundred twenty,” sagot ko. Tumango ang lalaki at saka inilabas ang kanyang wallet. Kumuha ito ng sapat na amount upang ipambayad sa akin. “Big deal ba talaga ‘yo para sayo?” Tinanong ko siya dahil na-amazed ako sa ugali niya, eh. Tanging si Jericho lang yata ang aking kakilala na allergic sa libre, eh! “Yup. Sorry kanina kung tumaas ang boses ko, nabigla lang ako eh tapos galing pa ako sa heartbreak,” saad nito. “Galing ka sa heartbreak? Bakit naman?” “Eh tinanggihan mo kasi ang pag-ibig ko,” sagot ng lalaki at natawa nalang ako sa ekspresyon niya. Noon ay ayaw ko sa mga lalaki na masyadong vocal at open sa feelings nila pero dahil kay Jericho ay nagbago ang aking pananaw. Mas masarap  pala silang kausapa at sigurado na masarap ding magmahal. Hindi naman sa naghahanap ako ng lalaking galante pero si Jericho kasi, kahit biko o salad lang, hindi siya nagdalawang-isip na bigyan ako. Sabi nga nila, it’s the thought that counts, at na-appreciate ko naman lahat ng ginawa niya maliban doon sa eksena sa may parola kung saan ginawa niya akong tanga. Jusko, naalala ko lang eh kumulo na kaagad ang aking dugo! “Hindi ko naman tinanggihan kaya lang ay hindi pa ako handang mag-commit sa isang relasyon. Ang gulo pa kasi ng sitwasyon, eh. Kailangan ko pang asikasuhin ang annulment namin at ngayon naman ay hindi ko pa nga siya nasingil sa share niya sa annulment, inutangan pa ako. Kaya mo ‘yon?” Umiling ang lalaki at sumagot ng, “Hindi. Pero alam ko na kaya mo.” “Ang laki talaga ng bilib mo sa akin, bakit?” “Bakit naman hindi? Bihira lang ang mga babaeng matapang katulad mo. Sa dami ng pinagdaanan mo sa buhay, buo ka pa rin. Matatag ka pa rin at handang lumaban,” sabi ng lalaki. “Tama na.” Sinabihan ko siyang tumigil na at baka maiyak pa ako. Nakakahiya naman kung iiyak pa ako sa harap niya. “Sorry,” humingi ng paumanhin ang lalaki sa pag-akalang na-offend ako sa topic namin. “Kaya hiniling ko sayo na tumigil ka na ay dahil takot akong magkalat sa harap mo. Ang sarap kasi pakinggan ng mga bola mo,” sabi ko. “Hindi naman kita binola, eh.” “Well, salamat Jericho. Dahil sa treatment mo sa akin, mas lalo lang akong nanghinayan kung bakit hindi tayo p’wede. Ayaw mo ba talaga sa walang label na relasyon?” “Ano ba ‘yong walang label?” “Iyong flirting na may kasamang ‘I love you’ at ‘kumain ka na ba’? Iyong may good morning text, at pati na rin good night. Iyong nagsi-s*x just for fun lang,” ibinulong ko sa kanya ang aking huling sinabi at baka ma-eskandalo pa ang ibang pasahero. “Kumbaga, bawal ma-attach kasi p’wede lang iwanan kahit anumang oras,” dagdag ng lalaki at tumango ako. “Bet mo ‘yon? Eh parang naglolokohan lang eh. Siguro applicable ‘yon sa isang tao, pero iyong isa naman ay magdurusa. Sa akin lang ‘to ha, impossible kasi na hindi ma-inlab ang isa sa atin, at kung ako lang, lugi na ako kasi mahal na kita, eh.” Masarap pala pakinggan na open masyado ang isang lalaki sa feelings niya. Nang binanggit ni Jericho na mahal na niya ako na parang wala lang, ang sarap sa ears. Para akong teenager na bumalik noong high school pa ako at sa crush pa lang kinilig. “Sana’y mas una kitang nakilala kaysa kay Brent” sabi ko na puno ng pagsisisi dahil napunta ako sa maling tao. “Shhhhh! Huwag mong pagsisihan ang isang bagay na nagbigay kasiyahan sa’yo noon. Nagkahiwalay man kayo ng asawa mo pero naging masaya ka naman dati, di ba? Sadyang hindi lang kayo umabot sa tinatawag nilang forever,” nakangiting paliwanag niya sa akin. Muli na naman akong nawalan ng kakayahang sagutin siya dahil lahat ng sinabi niya sa akin ay tama. “Tigil na sabi, eh! Mas lalo lang kitang nagustuhan sa mga pinagsasabi mo,” sabi ko sa kanya. “Huwag mo na kasing pigilan,” mungkahi niya sa akin. “Kung p’wede lang sana subali’t maraming masasaktan kung itutuloy natin ‘to ngayon,” paalala ko sa kanya. Tumitig lang siya sa akin na para bang pinag-isipan nitong mabuti ang kanyang sasabihin. Nabigla na lang ako nang kinabig niya ako palapit sa kanya at sinamyo ang aking buhok. Kaagad akong lumayo dahil baka mapapansin  ng ibang tao na nakahilig ako sa kanyang dibdib. “Hindi ka ba inaantok?” Bumulong ang lalaki. “Medyo lang,” sagot ko. “Matulog ka na. Who knows baka paggising mo ay nakasandal ka ng muli sa dibdib ko” wika ng lalaki. Dahil sa sinabi ni Jericho ay naalala ko tuloy kung paano ako binastos ng abogadong nag-handle ng kaso ko. “Kaya ko pa naman kaya sa bahay na ako matutulog,” sabi ko. “Ikaw ang bahala.” “Magpalit tayo ng pwesto,” suhestiyon ko dahil gusto kong makasigurado na kung sasandal man ako, sa may bintana na lang sana. “Sure,” pumayag ang lalaki. Nauna na akong tumayo ngunit nang muli akong maupo ay naupuan ko siya at saka na ito umusad. “Ano’ng trip mo?” “Sorry, nag-cramps kasi ang legs ko kaya hindi ako nakagalaw kaagad. Pero ang bigat mo, Kylie. Hindi halata na mabigat ka.” “Paulit-ulit? Nagdadahilan ka pa eh gusto mo lang naman na maupuan ko ‘yong ano mo,” sinumbatan ko ang lalaki at ngumisi lang siya. “Ang dumi ng isip mo! Nag-cramps nga bigla ang legs ko,” giit nito. “Okay, sinabi mo eh.” “So, ayaw mo talaga sa walang label?” Muli ko siyang tinanong at muli naman siyang natulala. Ilang araw na hindi kami nagkita ni Jericho at sa panahong iyon ay iginugol ko ang aking oras sa paghahanda sa magiging garden namin ni Marian. Naging abala ako sa hardin at hindi ko na namalayan na simula nang sabay kaming umuwi ni Jericho ay hindi na kami muling nagkita pa.  Hindi na rin nagparamdam si Aika sa akin o kahit si Brent. “Ang sipag mo naman.” Nagulat ako nang biglang may nagsalita sa aking likuran. “Jericho, ikaw pala. Bakit ka naparito?” “Dinalhan kita ng mango float, marami kasi sa bahay.” Paborito ko ang mango float kaya hindi na ako nagpakipot pa at kaagad na tumayo. Tinanggal ang gwantis mula sa aking kamay at naghugas na rin. “Doon tayo sa loob ng bahay,” sabi ko sa kanya dahil gusto kong namnamin ang ibinigay niya sa akin. “Gusto mo bang tulungan kita sa garden mo?” “Alam mo kung paano?” “Syempre! Hindi mo lang alam pero mahilig ako sa garden. Iyong mga halaman na nasa amin ay ako lahat ang nagtanim ng mga ‘yon,” sabi ni Jericho. “Ikaw na ang magaling, pero sige tulungan mo ako mamaya kung wala kang gagawin. “Gusto mo ba ng mango float?” Inalok ko pa rin siya kahit na siya ang nagdali nito. “Hindi ako mahilig sa sweets eh,” tanggi nito. “Hindi ka mahilig sa sweets pero ang sweet mo sa akin. O baka naman sweet ka lang talaga sa  lahat.” “Sayo lang actually,” sagot ng lalaki at biglang tumaba ang aking atay at puso. “Huwag mong itodo kasi mas lalo lang akong maiinggit sa magiging asawa mo in the future,” nagparinig ako kasi magiging maswerte naman talaga ang kahit na sinong papakasalan ni Jericho. Bukod sa pagiging family oriented nito ay may pangarap din ito sa buhay. “Bata pa ako upang isipin ang pag-aasawa,” tugon nito. “Alam ko,” malungkot kong wika sa kanya kasi naman, nakakalungkot lang isipin na ang isang katulad ni Jericho ay dadaan lang sa buhay ko bilang kaibigan. Nakakapanghinayang lang na kung kailan nakatagpo ako ng lalaking nababagay sa akin ay sa isang katulad pa niya na mas bata pa sa akin. Nakakahiya naman kung magiging dahilan pa ako upang masira ang kanyang kinabukasan. “Bakit ka malungkot?” “Hindi naman ako malungkot talaga. Nanghihinayang lang ako dahil late kitang nakilala,” sabi ko. “Huli na ba talaga ang lahat, Kylie? Sigurado ako na may mabigat na dahilan kung bakit tayo pinagtagpo ng tadhan,” paliwanag ng lalaki. “Kung ano man ang dahilang ‘yon ay natatakot akong malaman Jericho. Hindi ba at lahat ng taong nakilala natin ay maaring blessing o isang aral lang? Natakot ako na kaya tayo pinagtagpo ay upang muli akong masaktan. Siguro upang matauhan ako,” sabi ko ngunit nang makita ko ang kanyang ekspresyon, kaagad akong nagsisi sa binitawan kong salita. “Basta para sa akin ay isang blessing ang pagtatagpo nating dalawa,” giit ni Jericho. “Blessing in disguise?” “Nope, blessing lang talaga. Simula nang makilala kita ay mas masaya na ako. Masaya naman ako dati pero mas pinasaya mo pa ako kahit ayaw mong makipagrelasyon sa akin.” “Salamat, Jericho ha. Sus, kung hindi ko lang kasi iniisip ang kapakanan mo, naku,matagal na kitang pinatulan. Kaya lang ay ayaw kong matawag ka na kabit dahil masisira ang pangalan mo. Unfair iyon para sayo,” paliwanag ko sa kanya. Hindi nagsalita ang lalaki, bagkus ay nakatitig lang siya sa akin at saka ngumiti. “Salamat at mas mature ka ng mag-isip sa ating dalawa pero sa tingin ko ay tatanggapin ko na ang offer mo na walang label.”   Nakakatakot pumasok sa isang relasyon at kaya walang label muna kasi hindi ko alam kung hanggang saan lang ang kaya kong ibigay sa kanya. Isa pa, magiging issue ang pakikipagrelasyon ni Jericho sa akin. Syempre, natakot ako noong una ngunit natakot din ako na mawala siya. Sa kanya ko kasi nakita ang lahat ng hinahanap ko sa lalaki at gusto ko pairalin naman ang utak at hindi lang ang puso. Kanina habang tinulungan niya ako sa harden, mas lalo lang akong na-attract sa binata. Eh kasi naman, hinubad pa nito ang suot na t-shirt kaya sa unang pagkakataon ay napagmasdan ko kung gaano ka-fit ang kanyang pangangatawan. Napanganga tuloy ako ng wala sa oras. “Magdamit ka nga, naalibadbaran ako sa hitsura mo!” Pinagalitan ko siya ngunit ngumisi lang ang lalaki. Inakala ko na hindi niya susundin ang aking utos ngunit sumunod ito at muling isinuot ang kanyang hinubad na t-shirt. “Okey na ba ‘to?” Nagtanong siya at tumango lang ako. Dahil sa nangyari ay hindi ako nakapag-concentrate sa aking ginawa kaya lang ay nanatili si Jericho sa bahay hanggang alas-kwatro ng hapon. Umuwi lang ito nang tumawag si EJ na pupunta na raw sila sa gym.  Nang makauwi ang lalaki ay saka ko lang napagtanto ang aking kahangalan. Maari naman kasi akong tumanggi sana ngunit pumayag ako. Kahit alam ko na sa bandang huli ay masasaktan lang ako ngunit pumayag pa rin ako. Hinubad ko ang aking damit at tumuloy sa banyo upang maligo. Hindi kasi ako nakaligo kanina pagkatapos sa garden kasi oras na naman ng pagluluto para sa hapunan. Mabilis lang akong naligo dahil kailangan ko pang tapusin ang pagbabasa. Hindi pa nga ako tapos sa pagbibihis, walang humpay ang pagtunog ng aking cellphone. Nagmadali akong magsuot ng cotton shorts at pinaresan ko lang ito ng oversized na t-shirt. Hindi ko na sinuklay ang aking buhok at binalot lang ng tuwalya. Kaagad kong binuksan ang mga mensaheng dumating at lahat ay galing kang Jericho. Napangiti ako nang mabasa ko ang una niyang mensahe. Kung titingnan kasi, parang nobyo na ang dating, eh! Kumusta Kylie? Kararating ko lang galing sa gym. Magdi-dinner na ako, kumain ka na ba? Usap tayo after kong kumain.  Bahagya akong naguluhan kung paano ko siya sasagutin. Kukumustahin ko rin ba siya? Pero nagkita naman kasi kami kanina at okay lang naman siya. Sasabihin ko bang kakatapos ko lang maligo at basa pa ang buhok ko? Ang corny naman yata! Kailangan ba talagang may update? Hindi ako sanay kaya nakakapanibago! Hello Jericho. I’m good lang naman, maganda pa rin as usual. Sige kumain ka muna. Eat Well, Jericho. Pagkatapos kong patulan ang mga text messages niya ay saka ako nagsuklay at naglagay ng lotion sa skin ko. Nilinis ko na rin ang aking mukha. May nabili kasi akong rejuvenating set na mura lang at epektibo naman sa skin ko. Nag-apply muna ako ng toner sa face ko at pagkatapos ay ang rejuvenating cream naman ang inilagay ko. Actually, may nabili rin akong facial mask, ‘iyong moisturizing daw. Sinubukan ko lang naman on top sa cream at ilang araw ko ng napapansin na medyo mas gumanda pa lalo ang face ko sa mukha. Siguro ay normal na talaga sa mga broken ang maging maalaga sa sarili. Hinanda ko na ang facial mask nang muling tumunog ang aking cellphone; si Jericho ulit. Nasa labas ako ng bahay n’yo. Kumunot ang aking noo kasi hindi ko naman inasahan na pupuntahan niya ako. Noong sinabi niya na mag-uusap kami after niyang kumain, I thought na tatawagan niya lang ako. Napabuntonghininga na lang ako habang muling nagsuot ng bra at nagpalit ng blouse. Hinayaan ko na ang shorts kasi hindi naman masyadong mahaba. “Hello, Jericho. Pasok ka,” sabi ko sa kanyang nang binuksan ko ang pinto. Muling kumunot ang aking noo nang mapansin ang kanyang hitsura. Nakabihis eh na parang may lakad. Wait, aakyat ba siya ng ligaw? “May lakad ka ba?” “Pasensya ka na Kylie, ha. Ipinatawag ako ni Kapitan eh, may emergency meeting sa barangay hall. Bukas na lang tayo mag-uusap,” sabi ng lalaki na waring hindi mapakali sa kanyang kinatatayuan. Na-disappoint ko sa sinabi niya pero hindi ba at iyon naman ang gusto ko? Ayaw ko pa nga sanang puntahan niya ako. “Gano’n ba? O sige, bukas na lang. Narito lang naman ako sa bahay, eh!” “Salamat Kylie, ha. Ang bait mo talaga. Itext kita mamaya pag-uwi ko,” sabi ni Jericho. Ngumiti lang ako kasi wala naman akong magagawa. May tungkulin siya sa barangay kaya hindi ko siya p’wedeng pigilan. “Mag-ingat ka, Jericho.” “Syempre! Pero wala ba akong goodbye kiss?” Nagulat ako sa request niya. Pagbigyan ko ba siya? Hindi pa yata ako handa para sa mga gano’ng bagay. Nagpalinga-linga muna ako sa paligid bago ko ginawa ang isang bagay na maaaring ikapahamak naming dalawa. Ginawaran ko siya ng halik sa pisngi at sabi ko ay, “Mag-ingat ka ha.” Ngumiti ang lalaki bago naglakad patungo sa kanyang motorsiklo. Kumaway pa ako sa kanya na para bang asawa ko na siya. Ano’ng ginawa ko kanina? Bakit ko nagawa iyon? Bahagya kong kinagat ang aking pang-ibabang labi habang isinara ang pintuan. Pero syempre, hinintay ko munang makaalis ang lalaki. Hay, mabuti na lang talaga at medyo may distansya ang pinakamalapit naming kapitbahay kung hindi, na-chismis na ako. Pagbalik ko sa aking silid, kinabahan pa rin ako. Paano kung sa susunod ay hindi lang halik ang handa kong ibibigay sa kanya? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD