JERICHO’S POV
Pinilit kong kalimutan si Kylie dahil wala naman akong mapapala mula sa babae. Ginawa ko ang lahat upang makalimutan siya at hahayaan ko na lang ang kapalaran pagdating sa aming dalawa.
Pagkatapos ng insidente sa may puv terminal ay hindi na kami nagkitang muli. Mabuti na rin iyon upang mapanatag ang aking loob. Sa bawat pagkikita kasi ay mas lalo lang akong nahumaling sa kanyang ganda.
“Sasabay ka ba sa akin bukas?” Nagtanong si Lola.
“Opo, La. Doon na muna ako sa probinsya habang bakasyon pa. Nami-miss ko na rin si Ej, eh.” Sagot ko.
“Ako rin. Pero ano ba ‘yong skin? Kailangan daw niyang bumili ng bagong skin ni Chou, sino ba ‘yon?”
“Sa game po ‘yon, La. Bibigyan mo ba siya ng pera?”
“Napadala ko na kanina. Ang kulit kasi ng batang ‘yon. Hindi talaga ako tinigilan,” reklamo ng matanda.
“Eh paano naman ako La? May bibilhin din akong skin,” humirit ako.
“Next time ka na lang kasi may bibilhin din ako,” sabi nito.
“Bibili ka rin ng skin?” Biniro ko siya at malakas niya akong binatukan.
“Refrigerator ang bibilhin ko,” sagot ng Lola.
Nang marinig ko kung ano ang kanyang bibilhin, literal na hindi ako makapaniwala. Ref na naman eh ang dami ng ref sa bahay, eh! Pati kasi si Mama ay ang sobrang hilig bumili ng bagong ref!
“Bakit ref? May ref na sa bahay, La.” Gusto kong ipaalala sa kanya na may sampong refrigerator na kami sa bahay at hindi nga ginamit ang iba kasi sobrang mahal ng kuryente. Isa pa, ano naman ang ilalagay namin sa ref gayung mas masarap ang pagkain kapag presko.
“Gusto kong maglagay ng ref sa kwarto ko,” sagot ng matanda.
“Kasi?”
“Lalagyan ko ng tubig,” tugon nito at kaagad na nag-iba ng tingin.
Alam ko kasi na nagsinungaling lang si Lola. “Tubig o softdrinks? Kaya hindi ka nilubayan ng ubo mo kasi ang hilig mong uminom ng malamig!” Pinagalitan ko siya.
“May gagawin pa pala ako. Kung gusto mong sumabay sa akin bukas ng umaga, magsimula ka ng mag-empake,” bilin nito.
Napailing na lang ako habang nakatanaw sa papaalis kong Lola. Tuwing pinapagalitan ko siya, bigla na lang itong may gagawin. Pinatay ko ang tv at pumanhik na sa aking silid upang mag-aayos ng mga gamit.
Kakapasok ko lang sa kwarto nang tumunog ang aking cellphone. Sa pag-akalang si Mama ang tumawag ay kaagad kong dinampot ang cellphone ngunit napakunot ang aking noo dahil hindi naman pala si Mama ang caller.
“Hello?”
“Pinsan, kumusta ka na?”
“Oy Dennis, ikaw ang kumusta? Bagong number mo ba ‘to?” Tinanong ko ang magaling kong pinsan. May pagkabarumbado kasi ang lalaki ngunit mabait naman ito sa kanya. “Kailan ka uuwi ng probinsya? Hinanap ka ni Mama sa akin,” sabi ko sa kanya.
“Mukhang matatagalan pa, ‘insan. Nasa Surigao kasi ako ngayon at kasama ko ang girlfriend ko,” sabi ni Dennis. “May girlfriend ka na ba ngayon?”
“Wala,” matabang akong sumagot. Kailangan pa ba talaga nitong magtanong tungkol sa love life ko?
“Mabuti naman kung gano’n. Naalala mo pa ba iyong kaibigan kong si Rejil Ramos?” Tanong ni Dennis.
Sandali akong napakunot dahil hindi ko naalala kaagad ang pangalang binanggit ni Dennis. Rejil Ramos? Sa dami ba naman ng mga kaibigan ni Dennis na ipinakilala sa akin, hindi ko masyadong matandaan si Rejil. “Hindi, sino siya?”
“Malapit lang sa inyo ‘yong bahay nila, nakalimutan mo?”
“Ay oo nga! Matagal na kasi silang hindi umuuwi sa Probinsya eh kaya hindi ko na masyadong nakikita. Hindi rin kami nagkita rito sa city, bakit ba? May problema ka sa kanya?”
“May hiniling siyang pabor sa akin, kaya lang ay hindi pa ako makakauwi sa atin eh. Sabi ni Rejil ay sa Probinsya na raw muna titira ang kapatid nito. May problema yata sa asawa. Hindi na ako nag-usisa at baka sabihin pang tsismoso ako.”
“Tapos?” Tinanong ko si Dennis kasi sa haba ng eksplanasyon niya ay hindi ko pa rin naintindihan kung bakit siya tumawag tungkol kay Rejil.
“Hiniling niya sa akin na from time to time ay titingnan ang kapatid at baka daw guguluhin ng ex nito,” wika ni Dennis.
“Sabi mo ay hindi ka pa makakauwi so paano mo gagawin iyon?”
“Sinabi kong ikaw na muna ang magbabantay sa kapatid niya habang nasa bakasyon ako. Summer na naman, eh at wala ka ng klase,” hirit ni Dennis.
“Oo nga at wala akong klase pero alam mo naman ang sitwasyon ko, di ba? May session sa barangay tuwing Linggo at kailangan ko pang pumunta ng gym araw-araw,” sabi ko sa kanya.
“Hindi naman bata si Kylie, ‘insan. Malaki na ‘yon. Ano ba naman ‘yong bibisitahin mo lang siya paminsan-minsan at kausapin? Basta ang gusto lang ni Rejil ay hindi guguluhin ang kapatid niya ng ex nito,” paliwanag ni Dennis.
“Kylie?”
“Yup. Kylie ang pangalan ng kapatid ni Rejil, hindi mo ba siya naalala? Sabagay, hindi naman kaya magka-edad ni Kylie. Hindi ka maniniwala sa sasabihin ko pero sobrang nag-glow up ang babae,” sabi ni Dennis.
“Hindi ako interesado,” sagot ko lalo na at Kylie rin ang pangalan ng babae. Na-trauma na ako sa mga babaeng Kylie ang pangalan. “Iyon lang ba ang gagawin ko?”
“Yup. Payag ka? I-text ko na kay Rejil ang number mo kasi tatawagan ka raw niya kaagad kung sakaling papayag ka,” excited na wika ni Dennis.
“Ano bang makukuha ko sa pagbabantay ng kapatid niya?”
“Libreng starlight kada buwan at isang epic skin. Puntahan mo lang siya, hindi naman kailangang araw-araw. Kailangan lang ni Rejil na makasiguro na safe ang kapatid niya. Payag ka na ba?”
“Hindi ba ako lugi? Parang ginawa n’yo na akong security guard para sa babae,” reklamo ko.
“Minimum wage? Sasabihin ko kay Rejil,” sabi ni Dennis.
“Joke lang. Pakisabi na tawagan niya lang ako para magkausap kaming dalawa,” bilin ko kay Dennis. Ang kumag, kaagad na ibinaba ang telepono. Hindi man lang ito nangumusta kay Lola! Napailing na lang si Jericho na ibinalik ang kanyang cellphone sa side table pero hindi pa man siya nakalayo ay muling tumunog ang kanyang cellphone at duda niyang si Rejil ang tumawag.
Kinabukasan, para akong binugbog ng sampong tao nang makarating kami sa bahay. Kahit ilang beses na akong bumibiyahe ay hindi pa ko rin mapigilan ang sarili na sumuka sa gitna ng biyahe. Nakaka-drain ng energy iyon, kaya pagdating ko sa bahay ay kaagad akong humilata sa bagong bili na sala set ni Mama.
“Dumiretso ka na lang sa silid mo,” mungkahi ni Lola na parang wala lang ang mahabang biyahe.
“Okay po,” sabi ko, at nanghihinang tumayo. Lupaypay ang aking mga braso sa sobrang panghihina ngunit bago pa man ako makapasok sa silid ay tinawag ako ni Mama. Lumingon ako at hinintay na makalapit siya.
“Inumin mo muna ‘to bago ka magpahinga,” sabi niya at ibinigay niya sa aking mainit na tubig na may halong asin.
“Salamat, Ma,” sabi ko.
“O sige na, magpahinga ka na.”
Ngumiti ako sa kanya bago ko binuksan ang aking silid at natulala na lang ako sa aking nakita. Ang kalat ng silid ko! Biglang nabuhay ang aking dugo sa sobrang galit ngunit hindi ko naman kayang pagalitan ang nag-iisa kong kapatid na si EJ.
Ininom ko muna ang tubig na may halong asin at imbes na magpahinga ay naglinis na lang ako ng silid. Pinawisan ako sa ginawang paglilinis at iyon yata ang dahilan kung bakit biglang bumuti ang aking pakiramdam.
Pagkatapos kong ibalik sa ayos ang aking kwarto ay sandali akong nagpahinga at saka pumasok sa banyo upang maligo. Alam ko na pagkatapos kong maligo ay energetic na ulit ako. Sandali lang akong naligo at kaagad na nagbihis.
“Akala ko ba ay mapapahinga ka muna?” Kinompronta ako ni Mama nang makita niya akong paalis ng bahay.
“May pupuntahan lang ako saglit, Ma.”
“Hindi mo ba isasama si EJ? Mag-isa ka lang? Baka kung saan ka na pupunta Jericho. Teka, saan ba ang lakad mo?”
“Tinawagan ako ni Dennis na i-check ko ang kanyang kaibigan. Kahapon lang yata dumating dito sa atin o kanina,” sabi ko.
“Okay, basta umuwi ka kaagad,” bilin ni Mama.
“Yes, Ma.”
Dahil active naman ako sa aming community ay kabisado ko ang mga bahay na nasa barangay namin. Bihira lang ang mga dumaan na sasakyan sa kalsada na patungo sa bahay nina Rejil. Ewan ko ba kung bakit, pero pakiramdam ko ay kilala ko ang kapatid ni Rejil na si Kylie. Paano kung tama ang aking hinala?
Sarado ang pintuan ng bahay nang dumating ako at sobrang tahimik sa loob. Bumaba ako ng motorsiklo at naglakad patungo sa may pintuan at kumatok. Ilang beses akong kumatok bago ko narinig ang mga yapak ng taong magbubukas sa akin.
Nang makumpirma ko ang aking hinala na si Kylie nga nabundol ko sa bookstore noon at ang kapatid ni Rejil ay iisa, bigla akong napangiti sa sobrang tuwa.
“Why are you here?” Mataray na tanong ng babae.
Kinuha ko ang maliit na papel na sinulatan ko ng pangalan ni Rejil. “Pinakiusapan niya akong bantayan ka,” sagot ko ngunit imbes na magsalita ng babae ay hinablot lang nito ang papel na hawak ko at tinaasan lang ako ng kilay. “Hindi mo ba ako patutuluyin?”
“Pasok ka at maupo ka na rin,” malditang sabi ni Kylie at iniwan niya ako sa sala.
Naisip ko na tatawagan siguro nito si Rejil at hindi nga ako nagkamali dahil ang sunod kong narinig ay ang galit na boses ni Kylie. Sinigawan nito si Rejil base sa aking naririnig mula sa babae.
“Sino itong bagets na pinapunta mo rito sa bahay? At bakit?Hindi ko kailangan ng tagabantay sa akin!” Sigaw ni Kylie.
Bahagya akong kinabahan sa aking narinig. Paano kung pagagalitan niya ako? Nakahanda na akong umalis nang bumalik ang babae na may dalang tray ng merienda. Inilapag ng babae ang dala nitong tray sa center table at naupo sa kabilang sofa. Hindi ko inasahan na bigla itong magde-kwatro sa aking harapan at aksidente kong nakita ang makinis niya hita. Kaagad akong nag-iba ng tingin ngunit pakiramdam ko ay nahuli ako ni Kylie na nakatitig sa kanyang mga hita kanina. Nag-alala ako na baka tawagin niya akong manyak.
“Jericho pala ang pangalan mo at SK Chairman ka raw dito sa atin?” Tanong ni Kylie.
Tumango lang ako.
“Hindi ko kailangan ang tulong mo,” giit ni Kylie. “At ano naman ang kaya mong gawin eh may gatas ka pa sa labi?”
Hindi ako sumagot at nakatingin lang ako sa kanya ngunit nang patuloy nitong minaliit ang aking kakayahan dahil sa pagiging bagito ko, hindi na ako na ako nakatiis pa at kusang bumuka ang aking bibig. Hanggang buka lang pala pero muli ko rin itong itinikom nang magsalita si Kylie.
“Anyway, hindi naman masyadong malayo ang agwat ng ating edad pero hindi kita nakita dito sa lugar natin noon,” sabi ni Kylie.
“Sa city po kasi nakatira noon pero I’m sure na kilala mo ang lola ko, si Lola Cita,” sagot ko.
“Cita? ‘Yong may malaking tindahan sa may kanto papuntang falls? Kumusta na siya?” May bahid ng galit ang paraan ng pagtatanong ng babae kaya hindi ko maiwasang matawa.
“Galit ka pa rin ba sa lola ko hanggang ngayon?” Habang nasa biyahe kami ni Lola ay tinanong ko siya kung kilala nito ang mga Ramos at nagtaka na lang ako nang biglang tumawa ang matanda. Naalala raw nito ang panggu-gudtym noon kay Kylie. Nang makita kong umangat ang kilay ng babae ay medyo kinabahan na ako.
“Hindi ako galit!”
“Galit ka,” giit ko.
“Hindi nga sabi!” Tumaas bigla ang boses ni Kylie at mas lalo lang akong naaliw sa kanya.
“Hindi ka niya pinautang noon kasi iyon ang bilin ng Mama mo,” paliwanag ko sa babae na halatang nagtanim ng galit para sa Lola ko.
“Sinabi ng lola mo ‘yon?”
“Yes,” sagot ko.
“Iyan lang ba ang sinabi sayo?”
“Marami pa, actually,” biniro ko siya.
“Ang arte mong magsalita, bakla ka ba?” Diretsang nagtanong si Kylie at hindi ko inasahan iyon.
Hindi si Kylie ang unang tao na nagtanong sa akin kung bakla ba raw ako. Aminado ako sa aking sarili na medyo maarte akong magsalita pero iyon na kasi ang nakasanayan ko at hindi na magbabago iyon. Reklamo ng karamihan ay masyado raw akong madaldal para sa isang lalaki at hindi ko maintindihan kung bakit nila nasabi iyon.
“Hindi ako bakla. Bakla ba ang tingin mo sa akin?”
“Hindi ko pa alam. Ewan ko,” sabi ng babae. “So ano pa ang sinabi ng lola mo tungkol sa akin?”
“Hmmm na mabait ka raw, masipag at matulungin sa mga magulang. Noong nasa kolehiyo pa raw kayo, nagtrabaho rin daw kayo ng parttime upang makatulong sa mga magulang mo.”
“Nagpauto ka naman sa pinsan mo?”
“Hindi naman sa nagpauto pero parang ganun na nga,” umamin na ako. “Pero nang malaman ko na ikaw ‘yong babaeng nakita ko noon sa bookstore at pati na rin sa coffeeshop, malaki ang pasasalamat ko na nagpauto nga ako sa kanya.”
“Crush mo ako?”
Biglang uminit ang aking pisngi sa kahihiyan dahil hindi ko inasahan na masyadong direct magsalita si Kylie. Prangka. “Siguro,” sagot ko.
“Twenty-one ka lang? Sabi kasi ni Rejil na twenty-one ka pa lang daw,” tanong ng babae.
“Yes po,” sagot nito.
“Nabanggit ni Rejil na ikaw daw ang SK Chairman dito sa atin.”
Muli akong tumango at hindi nagsalita.
“That’s great, pero hindi ko pa rin kailangan ng gwardiya, Jericho.” Giit ng babae.
“Sundin na lang po natin ang kapatid mo,” mungkahi ko sa kanya.
“I said no! May kasama naman ako rito sa bahay,” muling iginiit ni Kylie na hindi ako kailangan sa buhay niya.
“Okay, I understand. Kung gano’n ay hindi na ako magtatagal pa. Ipagpatuloy n’yo na lang po ang iyong ginagawa at babalik na lang ako bukas,” sabi ko.
“Huwag ka ng bumalik pa,” pinal na sabi ng babae.
Nasaktan ako sa bawat salita na lumabas mula sa kanyang bibig pero ano pa ba ang magagawa ko? Ilang beses niyang sinabi na hindi niya kailangan ng tagabantay kaya wala na akong magagawa pa.
“Sige, salamat,” sabi ko at tumayo na. Bagsak ang aking balikat na nagtungo sa may pintuan upang umalis. Paglingon ko, wala na ang babae. Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at lumabas. Habang nasa labas na ako, hindi ako umalis kaagad at sandaling naghintay na baka maisipan ni Kylie na buksang muli ang pintuan.
Baka hindi naman naka-lock?
“Dito ka lang pala nagpunta.”
Kilala ko ang boses ng babaeng nagsalita sa aking likuran. “Ano’ng ginagawa mo rito Lola?”
“May sadya ako kay Kylie,” sagot nito.
“Okay po, wait lang,” sabi ko at sinubukan kong itulak ang kanilang pintuan ngunit naka-lock iyon kaya wala akong nagawan kung hindi ang muling kumatok. At hindi ako tumigil hanggang sa binuksan ni Kylie ang pintuan.
Gaya ng inasahan ko, nakasimangot ang babae nang binuksan nito ang pintuan. Ngunit kaagad na nagbago ang pakikitungo ni Kylie nang makita si Lola.
“Ikaw pala, Lola Cita,” sabi ni Kylie.
“Mabuti naman at naisipan mong bumalik dito sa atin, Kylie.”
“Dito na muna kami ng anak ko,” sagot niya.
“Hindi ko yata napansin na sumama si Brent.”
“Busy po siya,” sagot ni Kylie at nang tumingin ako sa kanya ay bigla itong yumuko.
“Busy? Bakit sinabi ni Jericho na nagpa-annul na raw kayo?”
Nakalimutan ko ang pagiging taklesa ng lola ko kaya umani ako ng masamang tinging mula kay Kylie.
“Iyon po ang inasikaso niya,” sagot ni Kylie.
“Sayang pero kung hindi na ninyo mahal ang isa’t-isa, mabuti na rin ‘yon. Bata ka pa naman, maganda at seksi pa rin kahit may anak na, natitiyak kong may magkakagusto pa rin sayo.”
“Mayroon nga po,” sabi ng babae at nang magtagpo ang aming mga mata ay napakamot ako sa aking buhok.
“Sabi ko na sayo, eh. O siya, hindi na ako magtatagal at may lakad pa ako. Ito kasing si Jericho, nagpasama pa sa akin dahil kasalanan ko raw kung bakit hindi mo siya gustong maging kaibigan.”
“Sinabi niya ‘yon?”
“Bweno, aalis na muna ako at ikaw na ang bahala sa apo ko, magpapaturo raw eh.”
Bumilib na talaga ako sa pagiging magaling ni Lola sa paghabi ng kwento. Napaniwala niya si Kylie, eh. Palihim akong nagpasalamat sa lola bago ito umalis.
“Ano’ng meron?” Tanong ni Kylie.
“Gusto lang kitang maging kaibigan,” sabi ko sa kanya.
“Kaibigan? Bakit? Malalapitan ba kita kung may problema ako?”
“Oo naman po,” kampante akong sumagot.
“Tigilan mo na nga ang pagpu-po mo sa akin! Twenty-six pa lang ako at five years lang ang gap natin,” reklamo ni Kylie.
“Age doesn’t matter naman po sa pag-ibig. May libro pa nga si Gabriella Castillo tungkol diyan,eh.”
“Sinong Gabriella?”
“Basta manunulat ‘yon sa w*****d,” sagot ko.
“Wattpader ka pala, eh kaya ganyan ka umasta. Tigilan mo ako, Jericho dahil hindi nakakatuwa,” binalaan niya ako. “Heto pa, muntik ko ng makalimutan, bakit ba mahilig ka sa tsismis? Bakla ka ba?”
“Hindi ako bakla,” inulit ko ang aking sinabi noon.
“Aw good for you. Pero sana ay huwag ka ng makialam sa pribado kong buhay,” paalala ni Kylie at napahiya ako sa sinabi niya.
“Type kasi kita,” sabi ko.
“Kung wala kang magawa sa inyo, bakit hindi ka magbasa ng libro o di kaya ay mag workout?”
“Hapon pa po ang schedule namin sa gym at nagbabasa naman talaga ako ng mga books ko sa school,” sabi ko kay Kylie.
“Eh di mabuti kung ganun nga, at least hindi masasayang ang gastos ng parents mo!”
“Hindi naman siguro at isa pa, miscellaneous lang naman ang kailangan kong bayaran sa school.”
“Ah, iskolar ka siguro. Saan ka ba nag-aaral?”
“CIT,” pag-amin ko.
“Gusto ko ng magpahinga, okey lang?”
“Kung ganun ay magpapaalam na ako,” sabi ko at kaagad akong nagtungo sa may pintuan. Grabe talaga ang babae. Ni hindi man lang ako hinatid sa may pintuan. Pabalik na ito sa may kusina pero tinawag ko ang babae. “Hmmm Kylie, wait lang po,” tawag ko sa kanya.
“Bakit?” Tanong ng babae.
“P’wede ba kitang ligawan?”