CHAPTER 15 - Jericho's POV

1749 Words
JERICHO’s POV “Matagal pa ba ‘yan, Lola?” Muli kong tinanong si Lola kung malapit na bang maluto ang biko. Sabi kasi niya sa akin kanina ay malapit na raw pero ilang minuto na akong naghintay ngunit hindi pa tapos si Lola sa kanyang pagluluto ng biko. “Heto na at tapos na, bakit ba ang kulit mo?” Naramdaman kong kanina pa nainis si Lola sa aking kakulitan pero alam naman nitong bibigyan ko si Kylie ng niluto niyang biko. “Baka kasi hindi ko maabutan si Kylie sa bahay nila,” sagot ko. “O siya, at kumuha ka ng Tupperware na p’wedeng paglagyan ng para kay Kylie,” utos niya sa akin. Pagkasabi ay kaagad akong nagtungo sa may cupboard at kumuha ng isang Tupperware na maaari kong lagyan ng pagkain para kay Kylie. “Heto na, Lola. Damihan n’yo po please,” pakiusap ko sa kanya at napailing na lang ang matanda habang nilagyan ng biko ang tupperware. “Hay, nahihibang ka na talaga apo ko. Kapag malalaman ito ng ina mo, naku, ewan ko na lang kung ano ang mangyayari sa’yo,” paalala ni Lola sa akin. “Wala naman po akong ginagawang masama, La.” “Sa ngayon,” sabi niya. “ Paano kung tuluyang mahulog ang loob mo sa babae?” “Hindi naman po siguro,” sagot ko. “Sana nga ay simpleng crush lang ‘yang nararamdaman mo ngayon. O heto na, ibigay mo na ‘to sa crush mo,” sabi niya sa akin habang inabot ang Tupperware na may biko. “Salamat, Lola. Aalis na po ako, ha,” paalam ko kay Lola. “Sige na,” sagot nito. Panay ang aking pagngiti habang naglalakad patungo sa bahay nila ni Kylie kaya laking gulat ko nang mamataan ang naglalakad na babae sa di kalayuan. Binilisan ko ang aking mga hakbang hanggang sa makalapit sa kanya. “Hello Kylie, may lakad po kayo?” Tinanong ko siya at pagkatapos ay pasimple kong inayos ang akin buhok sa kanyang harapan. Nakita ko kasi sa mga palabas na napanood ko dati na epektibo raw na paraan iyon upang mapansin ng isang babae, kasi habang nakataas ang kamay ko, naipakita ko babae ang aking maskuladong braso. “Malamang,” sagot ng babae. “Pupunta sana ako sa inyo eh, heto o, nagluto kasi kasi ng biko si Lola,” sabi ko at kaagad na ibinigay sa kanya ang lagayan na may biko. “Akin na,” sagot ni Kylie at kaagad na tinanggap ang ibinigay ko sa kanya. “Pakisabi sa Lola mo na salamat,” dagdag pa ng babae. “Saan ba ang punta mo?” Tinanong ko siya. “Bibili ng motorsiklo,” sagot ng babae. “Marunong ka?” “Hindi. Pero babayaran ko na muna at ipapakuha ko kay Marian bukas,” pahayag ni Kylie. “Sige ha,” dagdag nito. “Sasamahan na kita,” alok ko sa kanya. “Bakit?” Nagtanong ang babae. “Marunong akong magmotorsiklo kaya tara na,” paliwanag ko sa kanya at hindi na ako nag-alinlangan na hawakan ang kanyang kamay. Hinila ni Kylie ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak ko at tiningnan niya ako ng masama. “Bata ka pa pero andami mong alam na mga ninja moves,” saway ni Kylie nang mabawi na niya ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak ko. “Sinubukan ko lang kung gagana, pero mukhang hindi naman,” nagpalusot ako. “Magpaalam ka muna sa inyo,” mungkahi niya sa akin. “Hindi ka takot sa mga parents ko?” Tinanong ko siya. “Ha? Bakit naman ako matatakot eh wala naman tayong gagawing masama. Kung hindi sila papayag, ibig sabihin ay hindi ka p’wedeng sumama sa akin,” paliwanag niya sa akin at kaagad akong sumimangot dahil sa sinabi niya. “Alam naman nilang pupunta ako sa inyo,” nagpaliwanag akong muli. “Oo nga pero hindi naman nila alam na sasamahan mo ako,” giit ni Kylie. “Kay Lola na lang ako magpapaalam, nasa tindahan siya. Hintayin mo ako Kylie ha, promise, mabilis lang ako,” pakiusap ko sa kanya at malapad ang aking ngiti nang tumango ang babae. Kaya lang ay napansin kong bigla siyang umismid at nagduda na ako. Ayoko sanang iwanan siya ngunit kailangan kong magpaalam sa Lola na sasamahan ko si Kylie sa pagbili ng motorsiklo. Mabuti na lang at nasa tindahan lang ito nang dumating ako. Sa kasamaang palad ay kasama pala ni Lola ang aking kapatid na si EJ. “Kuya, saan ka galing?” “May pinuntahan lang ako saglit,” sagot ko kay EJ at saka lumapit ako kay Lola at bumulong dahil ayokong marinig ni EJ ang sasabihin ko. “La, p’wede ko bang samahan si Kylie sa kabilang bayan? Bibili raw ng motorsiklo, eh.” Hindi kaagad sumagot si Lola kaya kinabahan ako habang hinintay ang kanyang sagot. “EJ, samahan mo ang Kuya mo,” biglang sabi ni Lola. “Saan tayo pupunta, Kuya?” Kaagad namang tumayo si EJ upang sundin ang sinbi ng Lola namin. May magagawa pa ba ako? “Sasamahan natin si Kylie sa kabilang bayan,” sabi ko sa aking nakababatang kapatid at kumunot ang noo ni EJ. “Sino’ng Kylie? GF mo? May nobya ka na?” “EJ!” Nagulat kaming dalawa ng sumigaw si Lola. “Kapatid ni Rejil,” sabi ko kay EJ. “Lumakad na kayo at baka iniwan na kayo ni Kylie,” sabi ni Lola. “Pakisabi na lang po kay Mama, La, na umalis na muna kami ni EJ,” bilin ko kay Lola kasi baka hahanapin kami nila Mama at Papa. Paglabas namin ng tindahan ay kaagad na ibinigay ni EJ sa akin ang susi ng kanyang motorsiklo. Nasanay na kasi ito na kapag magkasama kaming dalawa ay laging ako ang nagmamaneho. Ibinalik ko sa kanya ang susi at kumunot ang kanyang noo sa pagtataka. “Ikaw muna ang magmaneho,” sabi ko at tinaasan niya ako ng kilay na para bang alam na alam ng binatilyo kung ano ang laman ng isip ko. Nang ngumisi si EJ, aminado akong nahuli na niya ako. “Okay,” sabi ni EJ. “Nasaaan ba si Kylie? Sa bahay nila?” “Dumiretso ka na sa sakayan ng bus,” utos ko kay EJ dahil may kutob akong hindi maghihintay si Kylie sa tabi ng daan. “Yes, Bossing!” Pabirong sagot ni EJ sa akin. At tama nga ang aking hinala. Malapit na kami sa sakayan nang mapansin ko ang babae naglalakad patungong waiting shed. “Ihinto mo sa tapat ng babaeng ‘yon,” sabi ko kay EJ. Mabuti na lang at hindi ako kinulit ni EJ at basta na lang itong sumunod sa sinabi ko. Nakita ko sa mga mata ng babae ang pagkagulat nang huminto kami sa kanyang tapat. Ngumiti ako sa kanya ngunit hindi yata natuwa ang babae sa aking pagdating. “Ano’ng ginagawa mo?” Nakasimangot niyang tanong sa akin. “Sabi ko na nga ba at iiwan mo ako,” sabi ko at napairap ang babae bago muling nagsalita. “Bakit naman kasi kita hihintayin?” “Kapatid ko nga pala, si EJ. Halika na, sakay na,” alok ko sa kanya ngunit nakatingin lang ang babae sa aming dalawa ni EJ at parang wala itong balak na umangkas. Ngunit nang mapansin kong napatitig si Kylie sa dibdib ni EJ, kinuha kong muli ang kanyang atensyon. “Sakay na, bihira lang kasi ang bus na dadaan dito,” sabi ko sa kanya. “Saan ako sasakay? Eh kayong dalawa pa lang ay siksikan na, kawawa naman ang motor,” sabi ng babae. “Okey lang tutal sa pag-uwi natin ay may motorsiklo ka na naman at ako ang mag-drive,” sabi ko sa kanya. “To be honest, hindi mo na kailangang gawin ‘to,” paalala ng babae. “Gusto naming makatulong Kylie,” sabi ko at saka lang ako nakahinga ng maluwag nang sumakay na ang babae. Inakala ko maisahan ko si Kylie ngunit bigla na lang nitong pinagkrus ang kanyang mga braso at ramdam ko iyon. Bumulong ako kay EJ na bilisan niya ng konti ang kanyang takbo, at natawa na lang ako nang bilang yumakap si Kylie sa akin. Mukhang epektibo ang trick na ‘yon at balak kong gagamitin ulit mamaya sa pag-uwi namin. Pagdating namin sa DES, sabay na kaming pumasok at kaagad na tiningnan ang mga scooter na naroon. “Nakapili ka na ba?” Tinanong ko siya. “Itong kulay pink ang gusto kong bilhin,” sagot ng babae at kaagad niyang tinawag ang isang sales staff na naroon. “Sigurado ka na ba?” Muli ko siyang tinanong dahil ayokong magsisi siya sa kanyang napili. “Sabi mo ay maganda ‘to,” wika niya. “Oo naman,” sabi ko. Pagkatapos bayaran ni Kylie ang motorsiklo ay iminungkahi ni EJ na mamasyal na muna kami o di kaya ay kumain. May isang stall daw malapit sa simbahan na nagtinda ng mga fried na pagkain at iba pang turo-turo. Wala akong magawa kung hindi ang sumang-ayon sa mungkahi ni EJ at gano’n din si Kylie. “Saan ako aangkas?” Tanong ni Kylie nang makalabas na kami ng Des. “S’yempre sa akin,” sabi ko sa kanya. “Mabuti naman. Biyaheng impyerno yata iyong kanina,” reklamo ni Kylie at sobrang natuwa si EJ sa sinabi ng babae at tumawa pa ito ng malakas. “Sakay na at ng makaalis na tayo,” wika ko. Nang makasampa na si Kylie sa motorsiklo ay kaagad na kaming umalis. Hindi alam ni Kylie na mas mabilis pa akong magpatakbo ng motorsiklo kaysa kay EJ. Dahil first time niyang umangkas sa likuran ko, swabe lang ang aking pagpapatakbo. Napansin ko na wala yatang balak magsalita ang babae at sobra itong tahimik sa likuran ko. Kaya naisipan kon tanungin siya. “Bakit naghiwalay kayo ng asawa mo?” “Basta,” ang tanging niya. “Hmmm, p’wede mo bang bilisan ng konti? Ang init kasi eh, nakakatuyo ng eyeballs,” reklamo ni Kylie. “Sabi mo, eh.” “Ay!” Napatili ang babae at yumakap sa aking baywang. From 30kpm to 80kpm na kaagad ang takbo namin at bahagya akong natakot kasi nasa-highway pa naman kami at maraming sasakyan. Nang tumingin ako sa gawi ni EJ, ngumisi lang ito bago binilisan ang kanyang pagmamaneho at nauna na ito sa amin ni Kylie.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD