JERICHO'S POV
Kinabukasan ay maaga akong gumising. Mga alas kwarto ng madaling araw ay sabay na kaming nag-core ni EJ. Sarado kasi ang gym kapag linggo, eh. Usually, after naming mag-core ay nakatuka sa akin ang pagdidilig ng mga halaman habang si EJ naman ay maglalaro ng ML.
Pagkatapos kong diligan ang mga halaman ni Mama, naligo na rin ako kasi may pupuntahan pa ako. Alam kong maagad pa, pero gusto kong makasabay siya sa pagkain.
“Saan ka pupunta? Ang aga pa,” tanong ni Mama nang makita niya akong palabas ng bahay.
“Jogging lang ako, Ma,” nagsinungaling ako.
“Jogging? Di ba at nag-core na kayo kanina ng kapatid mo? Gusto mo pa ring mag-jogging?”
“Ang taba ko na kasi,” palusot ko.
“O sige. May lakad kami ng Papa mo mamaya kaya ‘wag kayong pasaway sa Lola n’yo,” bilin ni Mama.
“Saan kayo pupunta Ma?”
“Dumating ang pinsan mo at may dalang anak,” sagot ni Mama.
“Sinong pinsan?” Sa dami ba naman ng mga pinsan ko, hindi ko matukoy kung sino ang dumating na may dalang anak.
“Iyong kaklase mo sa Grade 12,” sagot ni Mama.
“Ano? Ang bata pa niya!” Reklamo ko kasi magkaedad lang naman kami ni Daniel at hindi kol ubos maisip na magsimula ng sariling pamilya sa murang edad at wala pang kakayahang bumuhay ng anak. “Ano’ng ipapakain niya sa bata?” Hindi naman kasi lingid sa amin ang kalagayan ng kanilang pamilya. Lagi nga silang lumalapit sa mga magulang ko para sa pinansyal na tulong.
“Ewan ko. Kaya ikaw, dapat mag-ingat ka sa mga babae. Mahirap na, Jericho.” Sabi ni Mama.
“Alam ko ‘yon, Mama. Huwag kang mag-alala,” pangako ko sa kanya.
“Mabuti naman. Nag-almusal ka na ba?”
“Mamaya na po,” sabi ko.
Tumango lang si Mama at pinayagan na akong umalis. Simula pagkabata ay hindi pa ako nakagawa ng isang bagay na magiging source of disappointment ng mga magulang ko. Lumaki akong good boy at wala akong balak na baguhin iyon.
Tungkol kay Kylie naman, handa naman akong maghintay ng tamang panahon.
Pagdating ko sa bahay nila ni Kylie, ang babae kaagad ang una kong nakita. Nasa harapan kasi ito at nagdidilig din ng kanyang mga halaman. Napansin ko na medyo malungkot ang babae. Inisip kaya nito si Brent?
“Good morning, Kylie, bakit ka nakasimangot?” Tinanong ko siya.
“Bawal ba?” Gumanti ng tanong ang babae.
“Hmmm hindi naman pero nakakabawas ng kagandahan,” sabi ko. “Ipinapatanong ni Lola kung gusto mo raw ba ng Tableya? Marami kasi kaming harvest last month kaya hayo’n at maraming nagawa na Tableya,” paliwanag ko sa kanya.
“O nasaan ang Tableya?”
“Nasa bahay. Ipinapatanong pa lang po kasi,” sagot ko ngunit biglang umirap ang babae at pinatay ang tubig. Pagkatapos ay nakapamaywang na humarap sa akin. Bigla akong napaatras sa takot.
“Hindi ko alam kung nananadya ka ba o ano! Umamin ka, nagsinungaling ka lang tungkol sa Tableya ‘no?”
“Hindi ah!” Giit ko ngunit tumaas lang ang isang kilay ni Kylie.
“O kunin mo na,” hinamon niya ako.
“Okay, saglit lang.”
Napasubo ako do’n, ah!
Mabilis akong bumalik sa aking pinanggalingan. Nang dumating ako sa tindahan namin ay pinagpawisan ako ng husto dahil sa ginawa kong pagtakbo. “Lola, may Tableya pa ba?”
“Bakit? Galing ka bang nag-jogging?” Tanong ng Lola ko.
“Yes po. May Tableya pa bang natira diyan? Nagsinungaling kasi ako kay Kylie kanina eh at sinabi kong marami kang ginawa na Tableya,” sabi ko sa kanya.
“Marami nga. Kita mo ‘yon?” Sabi ni Lola at ginamit niya ang kanyang nguso sa pagturo kung saan niya inilagay ang hinanap ko.
“Bibigyan ko si Kylie,” sabi ko sa kanya.
“Ah si Kylie ba? May ginawa talaga ako para sa kanya. Noon pa man ay paborito niya ang tsokolate, kaya bibigyan ko talaga siya. Nasa asul na lagayan ang para sa kanya.”
“Sige po. Thank you Lola! You’re my savior talaga!”
Nag-jogging ako ulit pabalik sa bahay ni Kylie at dala ko na ang ipinangako kong Tableya para sa kanya.
“Ano ‘to?” Gulat na nagtanong si Kylie nang ibinigay ko sa kanya ang isang box ng tableya at puto-maya na rin.
“Galing kay Lola,” sabi ko at sandali kaming nagkatitigan habang tinanggap niya mula sa akin ang mga padala ni Lola. Napansin ko na sobrang nakatitig si Kylie sa aking mukha kaya bahagya akong na-conscious sa ginawa niya. “May dumi ba sa mukha ko?”
“Ang haba naman ng pilikmata mo, Jericho,” pagkuwa’y sabi ni Kylie sa akin.
“Mahaba rin naman ang mga pilikmata mo,” sabi ko dahil iyon ang nakikita ko ngunit biglang nag-alis ng bara sa lalamunan ang babae. May mali ba sa sinabi ko?
“Next time kasi, i-text mo na lang ako upang ako na ang kukuha, hindi iyong pabalik-balik ka rito na parang tanga,” galit na nagsalita si Kylie. “I didn’t mean it that way, I’m sorry,” binawi naman nito ang kanyang sinabi kanina.
“Okay lang, naintindihan ko naman. Gusto nga kitang i-text eh pero hindi ko naman alam ang number mo,” pahayag ko sa kanya.
“Ang smooth mo talaga, sanay na sanay,” sabi ni Kylie at sabay dictate ng number niya sa akin. “Next time kung may sadya ka sa akin, i-text mo lang ako,” ulit niya. “O bakit ganyan ang mukha mo? Heartbroken ka ba?”
“Huwag mo na lang akong pansinin, Kylie.”
“Kylie ka diyan! Tawagin mo akong ATE kasi mas matanda naman ako sayo ng ilang taon,” paalala niya sa akin.
“Ate Kylie? Hindi bagay, p’wede bang BABY na lang ang itawag ko sayo?” Humirit ako ngunit tinapik lang niya ang aking balikat.
“Umalis ka na,” utos ng babae at dahil tiningnan niya ako ng masama ay kaagad akong tumalima.
Nakayuko lang ako habang naglalakad pauwi nang makasalubong ko ang aking kapatid. “Saan ka pupunta, EJ?” Tinanong ko siya.
“Kina Kylie,” sagot ng lalaki.
“Bakit?”
“Inutusan ako ni Mama na ibigay ito sa bago nating kapitbahay,” sagot ng aking kapatid.
“Samahan na kita,” sabi ko at tinulungan ko na rin siya sa pagdadala ng mga pagkaing pinadala ni Mama.
Nang dumating kami sa bahay ni Kylie ay tapos na ang babae sa pagdidilig ng mga halaman at nakahanda na itong ibalik ang water hose sa lagayan nito. Kaagad na kumunot ang noo ng babae nang makita niya ako.
“Ano ‘yan?” Nagtanong ang babae tungkol sa dala namin ni EJ.
“Paksiw na lechon at cake naman ang dala ni EJ,” sagot ko.
“Para sa akin?”
“Opo. Welcome gift daw sabi ni Mama,” sagot ni EJ.
Napabuntonghininga ang babae at pagkatapos ay sinabihan niya kaming pumasok na raw sa kanilang bahay at sumabay na sa kanilang pag-aalmusal.
“Dumulog na kayo sa kainan,” imbita ni Kylie.
“Kuya, seafood,” sabi ni EJ.
“Mukhang masarap,” sabi ko at kaagad na sumandok ng ulam mula sa mangkok.
“Ayaw mo ba?” Tinanong ni Kylie si EJ.
Nagkatinginan kami ni EJ nang pinigilan niya akong sumandok ng pagkain mula sa mangkok at sinenyasan ko siya na hayaan na muna ako.
“Kain na po kayo,” sabi ni Kylie.
“May allergy po siya sa hipon,” sabi ni EJ.
Yumuko na lang ako dahil sa sinabi ni EJ. Pinahiya niya ako sa harap ni Kylie. Ano ang gagawin ko?
“Iyong tinolang isda na lang ang kainin mo,” mungkahi ni Kylie sa akin at kinuha na rin niya ang ilang piraso ng hipon na nakuha ko bago pa man ako napigilan ni EJ kanina.
“Mukha kasing masarap kaya natukso na ako,” paliwanag ko.
“Syempre, masarap ‘yan kasi ako ang nagluto n’yan,”pagmamalaki ni Kylie. “Ayaw mo rin ba sa lechon?”
Sabay kaming tumanggi ni EJ dahil sinubukan talaga naming alisin ang pork sa aming diyeta.
“Saan ba kayo nag-gym?”
“Sa kabilang lungsod po,” sagot ni EJ. “Pero hindi n’yo naman po kailangang mag-workout, sexy na po kayo.”
“EJ!” Pinagsabihan ko si EJ dahil nag-alala ako na baka mamasamain pa ni Kylie ang sinabi ng aking kapatid.
“Salamat. Mabuti ka pa at na-appreciate mo ang kaseksihan ko,” nagpasaring si Kylie.
Habang kumakain ay panay ang aming kwentuhan at hindi ko inasahan na muling napag-usapan ang tungkol sa sardinas. Tawang-tawa si EJ.
“EJ, favor naman please,’ pakiusap ni Kylie at kaagad namang kumislap ang mga mata ng hudyo kong kapatid.
“Sure, ano po ‘yon?”
“Hindi ba at may mga namamasadang motorsiklo na laging nakatambay malapit sa tindahan n’yo? Pakisabi naman na kailangan ko ng isang driver mamaya kahit hanggang ano lang, sa may sakayan ng bus.”
“Ako na,” sumingit ako.
“Okay. Mga before lunch ako aalis kasi kailangan ko pang maligo,” sabi ni Kylie at tumango lang ako.
Pagkatapos ng agahan ay kaagad na kaming nagpasalamat at nagpaalam kay Kylie. S’yempre, nangako ako na babalik before lunch para maging driver niya.
Ang usapan ay before lunch pero kararating ko lang sa bahay ay na-miss ko na kaagad siya. At dahil wala naman akong magawa ay naglaro na lang muna ako ng Mobile Legends. Mga limang games lang bago ako nagsawa kasi lose streak naman.
Pagtingin ko sa orasan ay malapit ng mag-alas diyes kaya nagsimula na akong maghanda. Nag-text ako kay kay Mama na may pasahero ako kaya kailangan ko munang umalis ng bahay. Pinapayagan naman kasi ni kami na mamasada para sa ekstrang kita.
Naligo ako ulit. Dalawang beses na nagsabon ng katawan upang masiguro na wala akong body odor. Pagkatapos ay naligo ako ng pabango. Pagdating sa kalinisan ng katawan ay disiplinado talaga ako. Higit na sa pagiging mabango. Gusto ko na lagi akong mabango at siguro ay iyon ang dahilan kung bakit napagkamalan akong bakla paminsan-minsan.
Kulay asul na walking shorts ang napili kong isuot at pinaresan ng putting v-neck na t-shirt. May suot din itongakong sombrero bilang pananggalang sa init ng araw. Sayang kasi ang skin care at iyong Lumiere products na bagong binili ni Mama para sa akin.
Pagkatapos kong maghanda ay umalis na kaagad ako ng bahay at nagtungo sa bahay ni Kylie. Nadatnan ko ang babaeng nagsasampay sa labas at nagulat pa ito nang makita ako.
“Ang aga mo naman, hindi pa ako tapos magsampay, tapos maliligo pa ako,” reklamo ng babae.
“Maligo ka na at ako na lang magpatuloy sa pagsasampay ng mga nilabhan mong damit,” inalok ko na ang aking serbisyo. Mabuti na lang at kaagad na nagpaubaya ang babae at tumakbo na ito papasok sa bahay.
Nahirapan ako sa pagsampay ng mga damit ni Karla kasi hindi ito kasya sa mga hanger na nasa sampayan. At dahil nag-ingat ako na hindi malaglag ang nilabhan na damit, hindi pa ako tapos nang lumabas si Kylie.
Napa-wow na lang ako sa aking nakita. Seksi pa rin kasi ang katawan ni Kylie kahit na nagkaroon na ito ng anak. Asul na skinny jeans at putting blouse ang isinuot ng babae na para bang sinadya niyang magkapareho kami ng kulay.
“Ako na!” Sabi ng babae.
Hinablot niya sa akin ang hinawakan kong isasampay na sana. Nang mapatitig ako sa maliit na tela, nanlaki ang aking mga mata nang mapagtanto ko na underwear niya pala ‘yon. Inakala ko kasi na kay Karla lahat ang nilabhan niya.
“Mahilig ka pala sa itim,” nakangising sabi ko nang lumapit ako sa kanya.
“At kailangan mo talagang sabihin sa akin ‘yan? Tara na at ayokong gabihin sa labas,” sabi ni Kylie.
“Why not? Normal lang naman ‘yon kasi lahat ng tao ay nagsusuot ng underwear,” nagdahilan ako.
“Iyon ang normal pero ang ginawa mo kanina, hindi iyon normal,” pinagalitan ako ni Kylie.
“Normal ‘yon na magulat ako kasi so-en lang naman ang gamit ni Mama,” palusot kot.
“Shut up,” hiling niya. “By the way, hindi ka ba ma-issue kung makikita ka nilang may angkas na katulad ko?”
“Katulad mo? Na ano?” Tinanong ko siya.
“Iniwan ng asawa,” sagot niya.
“May dahilan kung bakit nangyari sayo ‘yan,” sabi ko.
“Such as?”
“Pinalaya ka para sa akin.”