CHAPTER 17 - JERICHO'S POV

2687 Words
JERICHO’S POV   May lakad ulit si Mama kaya sinamahan ko si Lola sa tindahan. At habang abala kami sa pag-repack ng brown sugar, si Kylie ang tanging laman ng aking isip. Malapit na kasing dumilim at hindi pa rin siya nag-text sa akin. Nag-alala ako para sa kanya dahil bago pa lang siya sa lugar namin at marami ang hindi pa nakakilala sa kanya. “May hinihintay ka ba apo?” Nagtanong si Lola.             Noong una ay nag-atubili pa akong umamin dahil takot akong mapahiya. Natakot din ako na baka malaman ni Mama kung ano ang pinagagawa ko. Ayokong ma-disappoint siya sa akin. Ilang segundo akong nakatingin sa aking Lola bago ako sumagot. “Hinintay ko ang text ni Kylie, Lola.”             “Mukhang malakas yata ang tama mo para kay Kylie, Jericho. Baka hindi na crush ‘yan ha,” paalala niya sa akin.             “Hindi ako sigurado,” sabi ko at kapwa kami nagulat ni Lola nang biglang tumunog ang aking cellphone. Naka-max level pala ang volume. “Kylie, pauwi ka na ba?” Kaagad kong tinanong ang babae. “Nasa bus na ako ngayon, pwede mo ba akong sunduin ng mga six thirty?” “Sige po. Hihintayin na lang kita sa waiting shed,” sabi ko sa kanya. “Salamat.” “May bayad po ang serbisyo ko,” biniro ko si Kylie at bigla akong napaatras nang maramdaman ko ang kurot ni Lola sa aking tagiliran. Bumulong si Lola sa akin na gasgas na raw ang linya na ginamit ko kaya minabuti kong tumayo na muna at lumabas ng tindahan.  “Alam ko naman ‘yon,” sagot ni Kylie sa kabilang linya. Tiningnan ko ang oras sa aking cellphone at wala pa namang alas sais kaya naisip ko na umuwi na sa amin upang maligo. “O sige Kylie, kita na lang tayo sa waiting shed mamaya,” sabi ko. Kaagad akong nagpaalam kay Lola na uuwi na muna ako sa bahay at may pasahero akong susunduin. Mabuti na lang at hindi na niya ulit ako tinukso at pinabayaan na lang. Lakad-takbo ang aking ginawa upang makarating ako kaagad sa amin. “May lakad ka?” Tinanong ko si EJ nang makasalubong ko siya. “Inimbita akong kumain sa labas ng kaklase ko,” sagot ni EJ. “Babae o lalaki?” Kagaya ni Mama, ayokong pumasok ang aking kapatid sa isang relasyon na hindi pa nito kayang panindigan. “Dalawang babae,” maikling sagot ni EJ, at kaagad na itong umalis at nagtungo sa garahe. Napailing na lang ako habang nakatanaw sa papaalis na si EJ at dala nito ang sasakyan ni Papa. Dali-dali akong pumasok sa bahay at dumiretso sa aking silid, at pagkatapos ay nagtungo na ako sa banyo upang maligo ng mabilisan. Naligo naman ako kaninang umaga kaya okey lang na magmadali. Pagkatapos kong magbihis at magpabango, kaagad na akong lumabas ng bahay, bitbit ang susi ng motorsiklo ni EJ. Mas malaki kasi iyong motorsiklo niya. Bagay sa chicks.             Swabe lang ang ginawa akong pagpapatakbo ng motorsiklo dahil hindi naman ako nagmamadali. Wala pang alas sais at alas sais y medya naman ang usapan namin ni Kylie. Nang dumating ako sa waiting shed, may ilang tao ang naroon at medyo naasiwa ako sa paraan ng pagtingin nila sa akin.             Simula kasi noong mag-gym na kami ni EJ, at nawala na ang mga baby fats ko sa katawan, medyo nag-iba na rin ang hugis ng aking mukha. Hindi halata na dati akong chubby. Ngayon kasi ay proud ako sa aking katawan. Kaunti pa lang ang abs pero darating din naman ako sa puntong iyon. Balak kasi naming magkapatid na sumubok sa pagmomodelo kapag tapos na kami ng pag-aaral.             Nang dumating ang bus na sinakyan ni Kylie, kaagad kong inayos ang aking sarili habang hinintay ang babae na bumaba. Nang magtagpo ang mga mata, kaagad na ngumiti ang babae, at mabilis na naglakad patungo sa akin.             “Kanina ka pa ba?” Tanong niya ngunit bigla akong na-conscious sa aking kasuotan nang mapansin kong panay ang tingin niya sa akin.             “May dumi ba ako sa mukha?” Tinanong ko siya.             “Bagay sayo ang black,” sabi ng babae.             Favorite color ko ang black kaya ikinatuwa ko na nanggaling mismo sa kanyang bibig na bagay daw sa akin ang kulay itim. Tipid akong ngumiti kasi hindi pa ako sanay na makatanggap ng mga gano’ng klase ng papuri. Simple lang naman ang isinuot ko sa pagsundo sa kanya. Naka-tsinelas lang ako. Naka-shorts na pinaresan ko ng puting t-shirt, ngunit pinatungan ko rin iyon ng itim na hoodie dahil maginaw ang hangin sa gabi lalo na kung magmamaneho ng motorsiklo.             “Baka gutom ka na, kain muna tayo,” inimbita ako ni Kylie na kumain daw muna kami kung sakaling nagugutom ako. “Sa bahay na lang po ako kakain,”  sagot ko kasi nakakahiya. Hindi pa ako handa sa isang date na kasama siya. “O sige ikaw ang bahala. Tara na?” “Okay,” sagot ko, at kaagad kong inilagay sa aking harapan ang kanyang pinamili upang komportable siya sa likod. Habang nasa biyahe kami ay tahimik lang ako. Gano’n din naman si Kylie kaya nahiya akong magsalita. Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na kami sa bahay nila at nagtaka ako kung bakit madilim ang paligid. “Naputulan ba kayo ng kuryente?” Tinanong ko siya habang ibinaba ang kanyang pinamili at dinala ko hanggang sa may pintuan. “Sira! May lakad lang si Marian at kasama niya si Karla. Hindi pa yata sila nakauwi,” sabi niya. “Gusto mo na puntahan natin? Malapit lang naman ang bahay ni Ate Marian,” sabi ko. “Mamaya na, kakain na muna ako kasi kanina pa ako nagugutom eh.” “Paano kung hindi uuwi si Ate Marian ngayong gabi? Eh di mag-isa ka lang,” pahayag ko sa kanya. “Syempre,” sagot ng babae. “Hindi mo ba ako sasamahan mamaya?” “Sasabihin ko muna kay EJ kung payag  siyang samahan ka namin,” sagot ko habang nakangiti. Sa isip ko, bakit kaya siya nagtanong ng gano’n sa akin? Hindi ba natakot ang babae na kami lang dalawa sa bahay niya? Gano’n ba talaga katapang kapag single mom? “O bigla ka yatang natakot sa akin,” pansin ni Kylie. “Hindi naman po sa gano’n,” sagot ko.  “Okay,” sabi ni Kylie. “Paano kung biglang susulpot dito ang asawa mo? Ano ang gagawin mo?” Tinanong ko siya sa posibilidad na makita kaming dalawa ni Brent. Isang malaking eskandalo iyon! “Hindi ba at iyon naman ang dahilan kung bakit ka kinausap ni Rejil?” “Sabagay. Kaya huwag mo na lang siyang problemahin pa kasi kaya naman kitang protektahan,” panigurado ko sa kanya. “Sus, hayaan ka na naman, eh takot ka namang makurot ng nanay mo,” nagbiro si Kylie at napakamot na lang ako sa aking ulo. “Hindi ka pa ba hahanapin sa inyo?” “Hindi pa naman po,” sagot ko. “Good. Balak kong puntahan na lang natin sina Marian. Nami-miss ko na kasi ang anak ko,” biglang sabi niya. “Sure, ngayon na ba tayo aalis?” “Saglit lang,” sabi niya sa akin at saglit niya akong iniwan at kukunin lang daw sa loob. Pagbalik ng babae, may bitbit na itong sandwich at ibinigay niya sa akin ang isa. Tumanggi ako kasi mataas ang carbohydrates ng tinapay. “Hindi naman ako nagugutom,” tanggi ko. “Hay naku, hindi ka naman tataba kaagad kung kakainin mo ito.” Napakagatlabi na lang ako habang tinanggap ko ang sandwich mula sa kanya. “Sa bahay ko na lang ‘to kakainin kasi mahirap kakain kung nasa biyahe,” sabi ko sa kanya. “Saka na tayo aalis. Kumain ka muna. Gusto mo ng softdrinks?” “Tubig na lang,” sabi ko at napailing na muling pumasok sa bahay ang babae, at pagbalik nito ay may dala na itong coke at tubig. “Masama sa katawan ang softdrinks,” paalala ko sa kanya. “Hindi naman araw-araw,” sagot ng babae. “Kahit na,” giit ko pero imbes na makinig ang babae dahil para naman sa ikabubuti niya ang aking sinabi, bigla na lang nitong tinungga ang softdrinks at dumighay pa pagkatapos. “Let’s go,” sabi ni Kylie at kaagad na siyang umangkas sa aking motorsiklo. Makalipas ang ilang minuto ay papasok na kami sa isang eskinita na napapalibutan ng maraming kahoy. Bahagya akong kinilabutan habang kasi takot sa dilim. Paano kung may multo? Pero ang lahat ng takot sa aking katawan ay biglang naglaho nang maramdaman ko ang mahigpit na pagkapit ni Kylie sa akin. Natakot din ba ang babae sa dinaanan namin? “Pwede mo bang bilisan ng konti? Nakakatakot naman dito,” hiling ng babae at napangiti ako dahil tama naman pala ang aking hinala. Hindi ako sumagot, bagkus, binilisan ko na lang kaagad ang aking pagpapatakbo. Pinalipad ko ang motorsiklo at mas lalong kumapit sa akin ang babae. Iyon lang pala ang teknik, eh!  “Tatawagan na sana kita,” sabi ni Marian kay Kylie nang dumating kami sa bahay nila. “Why?” “Magpapaalam sana ako na dito kami matutulog ni Karla ngayong gabi. Tingnan mo siya, aliw na aliw,” sabi ni Marian. “So bukas na kayo uuwi? Mag-isa lang ako?” Tanong ni Kylie. “Kung gusto mo ay dito ka na rin matulog,” alok ni Marian. “Basta bukas, dapat ay sa bahay na kayo mag-almusal,” bilin ni Kylie. “Salamat Kylie,” sabi ni Marian. “Dito ka na magdinner, nagluto kami ng tinolang manok, di ba paborito mo naman ‘yon?” “Sure,”sabi ng babae. “Ang loyal naman ni Chairman,” panunukso ni Marian sa akin. “Shhhh, intrigera ka. Baka kung ano pa ang iisipin ni Jericho,” sinaway ni Kylie si Marian at na-appreciate ko ‘yon. “Jericho, sandali lang ha. Mag-uusap lang kami saglit ni Marian,” paalam ni Kylie kaya bumalik na lang ako sa motorsiklo at doon hinintay ang babae. “Akala ko ba ay mag-uusap pa kayo ni Marian, tapos na ba?” Tinanong ko si Kylie nang kaagad itong sumunod sa akin. “May ibinilin lang ako sa kanya. Isa pa, pagdating sa anak ko, malaki ang aking tiwala kay Marian, Jericho. So paano? Uuwi na tayo?” “Kung iyon ang gusto mo,” sabi ko sa kanya. “Malapit na kasi ang birthday ng anak ko at kailangan ko pang tapusin ang pag-layout sa tarpaulin niya,” dahilan ng babae. “Bakit kailangang ikaw pa ang mag-layout? Mura lang naman iyon,” mungkahi ko sa kanya. “Gusto ko lang. Isa pa, marami namang template na available sa Canva, kaya hindi ito masyadong mahirap para sa akin kahit wala akong background sa pag-layout,” sagot ni Kylie. “O sige, tayo na,” sang-ayon ko at kaagad ko ng pinaandar ang motorsiklo upang makaalis na kami. “Mukhang uulan yata,” sabi ko. “Mamaya pa siguro. May nakita naman akong bituin kanina,” sagot ng babae. “Sana nga,” sabi ko kasi wala akong dalang raincoat. Ilang minuto lang ang nakalipas at biglang bumuhos ang malakas na ulan. At nasa kakahuyan na kami kaya bigla akong kinabahan. “May dala ka bang raincoat?” Tanong ni Kylie. “Wala Kylie. Maligo ka na lang pag-uwi mo upang hindi ka magkasakit,” mungkahi ko sa kanya. “Ano pa nga ba? Basang-basa na ako,” sabi ng babae. ““Pakilagay naman sa u-box itong cellphone at wallet ko,” nakiusap ito kaya kaagad akong huminto. Huminto kami sa ilalim ng isang puno. Pagkababa namin ay mabilis kong binuksan ang u-box ng motorsiklo at inilagay doon ang cellphone at wallet ni Kylie.  “Tara na!” “Okay po,” sagot ko. “Kylie, kumapit ka ha, medyo madulas kasi ang dadaanan natin. Ganito kasi rito kapag umuulan,” paliwanag ko sa kanya at hindi nga ako nagkamali dahil muntik ng sumimplang ang motorsiklo. “Ay!” Napatili ang babae.  “Dahan-dahan  naman, baka madisgrasya pa tayo!” “Kaya ko ‘to, basta kumapit ka lang, okay?” “Eh kung bababa na lang kaya ako at maglakad?” “Akala ko ba ay takot ka sa dilim?” “Yup, pero mas takot akong madisgrasya, ano!” Sigaw ni Kylie. “Sus, ipanatag mo na lang ang sarili mo. Trust me, hindi tayo madidisgrasya. Ako pa!” “Hambog mo, makakatikim ka talaga sa akin!” “Hmmm,” ang tangi kong nasabi kasi hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa warning niya. Makakatikim daw ako sa kanya. P’wede ba ‘yon? “Ano?” Tanong ni Kylie. “Wala,” sabi ko dahil bigla na lang naging malikot ang aking imahinasyon dahil sa sinabi niya. Pagdating namin sa kanilang bahay, kaagad na akong nagpaalam sa babae dahil basang-basa na rin kasi ako sa ulan. At ayokong magkasakit dahil ma-stress lang si Mama kung magkataon. “Sandali lang, Jericho,” sabi ni Kylie at kaagad na itong pumasok sa bahay at naiwan ako sa labas. Habang hinintay ang babae ay saka lang ako nakaramdam ng lamig. Gabi na rin kasi. Ang sabi kasi ni Kylie ay sandali lang daw, kaya hinintay ko siya. Pagbalik ng babae ay may dala na itong tuwalya. “Maligo ka na rin doon sa silid ni Rejil. May mga damit pa naman siya doon, okey?” Hindi niya ako binigyan ng pagkakataon na tumanggi dahil muling pumasok sa bahay ang babae. Wala akong nagawan kung hindi ang sundan siya upang ibalik ang towel. “Kylie, saglit lang,” tawag ko sa kanya. “Bakit?” “Sa bahay na ako maliligo,” giit ko. “Huwag matigas ang ulo at pumasok ka na sa silid ni Rejil!” Hindi ko inasahan na sisigaw siya. Tumalima na lang ako at nagtungo sa silid ni Rejil. Kaya lang, makalipas ang isang minuto, kapwa kami lumabas na bitbit pa rin ang tuwalya. Walang tubig sa loob. “Naubusan siguro ng supply. Normal naman ito sa atin,” sabi ko.  “Sa labas na lang tayo maligo,” sabi niya at nauna na itong lumabas.  “Mauna na lang po kayo,” sabi ko nang inabot niya sa aking ang isang tabo. “Sus, gusto mo bang magkasakit? Huwag ka ng mahiya, hindi naman ako maninilip, eh.” Pagkasabi ay bumunghalit ng tawa ang babae. “Hindi kasi tama,” reklamo ko sa kanya. “Ano ang hindi tama?” “Na sabay tayong maligo,” sagot ko. “Wee di nga! Ikaw, bahala ka, basta ako ay maliligo na kasi kanina pa ako giniginaw, eh.” Nagsimula ng maligo ang babae nang biglang nag-browout. Sumiksik siya sa akin at kaagad akong dumistans’ya.  “Doon na muna ako sa loob,” sabi ko. “What? Iiwan mo ako rito?” “Bilisan mo na lang,” suhestiyon ko.  “Paki-on na lang ang flashlight sa cellphone ko at ilagay mo diyan,” utos ng babae at ipinakuha niya sa akin ang cellphone na nasa u-box ng motorsiklo. Para akong tanga na naging sunud-sunuran sa babae. Pagbalik ko ay dala ko na ang kanyang cellphone at binuksan ko na rin ang flashlight. “Ngeh, doon mo iharap ang ilaw, huwag sa akin,” reklamo ng babae, at saka ko lang napansin ang umbok sa kanyang dibdib nang tumama ang ilaw dito. “Matatagalan ka pa ba?” Tinanong ko siya dahil hindi ako komportable sa aking kinatayuan. Pabalik-balik sa aking isipan ang nakita ko kanina. “Malapit na akong matapos. Ikaw kasi eh, kung ipatong mo na lang kaya ang ilaw upang makaligo ka na rin.  Baka magkasakit ka pa niyan sa sobrang lamig. Sige na, maligo na lang at huwag mo akong intindihin.” “Okay po,” sagot ko sa kanya, pero ang hirap ng kalagayan ko. Malamig ang panahon ngunit pakiramdam ko ay para akong nasusunog sa sobrang init ng aking katawan!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD