MARAHAS NA NAPABUNTONGHININGA si Sebastian, nang marinig kay Cedric na hindi nito matawagan ang isa sa matalik na kaibigan niya, na kapatid ni Vida. Kabilinbilinan nitong tatawagan ito oras na nanganak na ang kapatid pero hindi naman matawgan. “Ilang oras ng nagle-labor si Vida?” aniya na lang kay Cedric. “Mag apat oras na boss,” ani naman nito. “What?! Four hours? F*ck!” Sinadya niyang tulugan dahil hindi niya kaya ang mga eksenang kawawa ang mga babae. Inoff niya nga ang monitor kanina kung saan kita ang nangyayari sa loob ng OR. Kahitaudion ay kuha niyon sa malinaw. Gano’n naman ang ilang silid nila dito sa AO, puno ng camera at audio. Pakiramdam niya, Mommy niya ang nasa loob ng OR kanina, panay ang iyak. Wala siyang naririnig kung hindi puro daing ni Vida. Ganoon pala kahirap mag