NAKAPAGBIHIS NA SI Nikki lahat-lahat pero hindi pa rin lumalabas si Sebastian. Hindi rin niya maintindihan ang binata. Bakit ito tumigil? Ano ba ang gusto nitong patunayan? O baka naman napahiya ito sa sarili nito. Ang akala niya, gusto nito ang bagay na iyon dahil ang dumi-dumi ng utak nito. Pero sa kabilang banda ng isipan niya. May katanungan din. Ayaw ba nito sa kan’ya dahil wala siyang karanasan? Dahil baka hindi ito mag-enjoy sa performance niya? O baka sinadya nito iyon para gantihan siya. Alam niyang naramdaman nito na nagpaubaya na siya kanina. Hindi na kasi siya kayang kalabanin ang sarili. Nananaig ang kagustuhan ng sarili na magpaangkin kay Sebastian. Yeah, nakakahiya. Dahil sa kabila ng pag-aayaw niya ay bumigay din siya. Sorry naman, marupok, e. Napahiga siya sa kama dah