KAHIT LATE NA natulog si Nikki, maaga pa rin siyang nagising. Hindi dahil sa ingay sa labas kung hindi dahil excited siyang gumala ngayon. Nabanggit kasi ni Luka na isasama siya nito sa pag-ani ng ilang prutas, kagaya ng hiling niya dito. Kaya naman pinilit niya ang sarili kanina na matulog para may lakas siya kahit na banas na banas siya kay Sebastian dahil sa huling usapan nila. Mabilis na iginiya niya ang sarili pababa ng hagdanan. Nagagandahan talaga siya sa mansyon nila Luka. Isa kasing Spanish inspired. Masyadong modern kasi ‘yong bahay nila, nakakasawang tingnan Napatingin siya sa veranda kung saan doon nanggagaling ang ingay. May mga malalakas na tawanan pa kaya na-curious siya. Napatingin sa kan’ya ang halos na naroon nang lumabas siya sa pintuan. “Hi,” nahihiyang sabi niya ka