NAPATIGIL SA PAGHAKBANG si Nikki nang makita si Cedric. Nagtatakang nilapitan niya ito. “Hindi ka yata sinama ng boss mo?” “K-kayo po pala, ma’am. Hindi po. Si Jano po ang sinama niya,” Napatango siya rito. “Ah, okay.” Akmang tatalikuran niya ito nang may naalala. “Puwede mo ba akong samahan sa bahay, Cedric? May kukunin lang pala ako doon.” “Sige po, ma’am. Ihahanda ko lang po ang sasakyan.” “Sige. Thank you.” Tinalikuran na niya ito at bumalik sa silid para magbihis. Pababa na siya ng hagdanan nang tawagin ng Yaya. “Anak, kumain ka na ba? Bawal kang magutom,” “Tapos na po. May kukunin lang ako sa bahay.” “Naku, hindi pa ako nakapaglinis doon. Siguradong maalikabok–” “Hindi naman sa bahay ko, Yaya. Sa malaking bahay namin.” “Ah. Akala ko naman sa bahay mo. O siya, mag-ingat.”