NAPASUNOD NG TINGIN si Nikki sa asawa nang tumayo ito mula sa kama. Wala itong suot ng mga sandaling iyon. Ang buong akala nito siguro tulog na siya. Mahigit kalahating oras pa lang matapos ang maiinit nilang tagpo. Sinadya niyang ‘wag munang matulog dahil tuwing madaling araw, may kausap ito. Hindi lang niya alam kung si Cedric ba ‘yon o hindi. Pero bakit pa magtatawagan kung nasa iisang bubong lang naman ang mga ito nakatira? Napatingin siya sa terrace nang marinig ang pangalan ni Gabby. “I can’t. Sinabi ko na sa ‘yong hindi puwede, Gabby. Hintayin mo na lang ang tawag ko. Oh, please, don’t do that. Ako na nga ang pupunta sa ‘yo! Pero hindi pa sa ngayon. Okay?” Napalabi siya. Naging klaro sa pandinig niya dahil tumaas na ang boses nito at halatang nagagalit na ito sa kausap. Pero l