Chapter 70: Why?

1617 Words

NAPANGITI SI NIKKI nang makita ang sampung klaseng prutas sa may mesa. Ang dami naman. Iniisip niya tuloy kung paano ba ubusin. Parang gusto nga lang niyang tingnan ang mga ito at ‘wag kainin dahil nanghinayang siya bigla. “Happy?” Napalingon siya sa asawa nang marinig ang boses nito. Nakasandal ito sa pader at seryosong nakatitig sa kan’ya. Nginitian niya ito ng matamis kapagkuwan at nilapitan. Niyakap din ito bigla saay usal ng, “Maraming salamat, hon. Hindi ko akalaing hahanapin mo ang lahat ng prutas mapasaya lang ako.” Napapikit pa siya. Matagal sila sa posisyong iyon pero hindi man lang kumilos ang asawa. Kung ano ang posisyon nito nang yakapin niya, gano’n din hanggang sa bumitiw siya. Hindi man lang lumapat ang kamay nito sa sa beywang niya o sa kahit saang parte ng katawan niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD