NAPAPITLAG SI NIKKI nang maramdaman ang pagyugyog sa kan’ya. Agad na iminulat niya ang mga mata at hinanap ang nagyugyog sa kan’ya. “Kailangan niyo na pong kumain, Ma’am. Masesesante ho kami kapag hanggang ngayon hindi ka po kumain ng maayos,” ani ng matanda. Naupo siya at hinarap ito ng maayos. “Sabihin mo kasi muna kung sino ang amo mo? At bakit niya ako dinukot.” Dinig niya ang pagbuntonghininga nito. “Kanina pa tayo sa tanungang ito, ma’am. Hindi ko nga rin po alam, kasi halos lahat ng naritong kasamahan ko ay bago rin. Hindi pa nga po namin nakikita ang amo namin, sa totoo lang.” Inilinga niya ang tingin. “Nasaan po ba tayo?” “Nasa Bulacan po.” “Bulacan po?” Tumango ito ng sunod-sunod. Ang lapit lang pala sa Metro Manila. Pero sino ang kumidnap sa kan’ya? Basta na lang kasi s