“ANG KAPAL PALA talaga ng mukha ng babaing ‘yon! Bakit nga kasi sa kuwarto ko pa!” Inis na tanong niya sa asawa. “I was hoping na uuwi ka ng gabing ‘yon, kaya ako pumasok sa silid mo.” “Alam mo namang nag-give way ako para sa pambabae mo sa bahay mo, tapos sasabihin mong umaasa ka? My God!” Tinulak niya ang asawa at naupo sa kama. Nag-angat din siya ng tingin kapagkuwan. “Kung alam mo lang na sobrang sakit para sa akin tapos buntis pa ako. Hindi ako robot, Sebastian, nasasaktan din ako. Magaling lang akong magtago pero deep inside, durog na durog ako…” Awa, lungkot at paghingi ng tawad. Halo-halo ang ipinapahiwatig ng mga mata ng asawa ng mga sandaling ‘yon. Namalayan na lang niya ang sariling nakatitig na sa asawang nakahulod habang hawak-hawak ang kamay niya. “I know hindi sapat ang