“CALM DOWN, MISIS. Bata ang maapektuhan kapag nagpatuloy ka sa pag-iyak. Paano tayo matatapos nito? Ang bilis ng t***k ng puso mo. Baka pagsalang mo naman wala na naman tayong marinig na heartbeat ng bata.” “I’m sorry, Dok. Hindi ko na kasi kaya ang pinaggagawa ng asawa ko. Hindi man lang niya kinonsider na buntis ako bago niya gawin ang pambababae niya.” Humikbi na naman ang pasyente niya kaya napapikit niya. Usually, ‘pag naglalabas ng sama ng loob ang mga pasyente niya, nakikinig siya. Para kumalama sila. Hinahayaan niya lang maglabas ng sama ng loob. Pero ngayon, hindi, kasi relate na relate na siya sa mga ito. Kaya mahirap din sa loob niya na i-digest ang lahat ng mga hinaing ng mga ito. Iniiwasan niya rin ma-stress. Dahil siya mismo, hindi rin niya alam ang gagawin, at anong sasab