“ANONG KALOKOHAN ITO, Nikks?” Naglakad na ito papasok ng silid niya ng mga sandaling iyon. Ang Yaya niya, kakaalis lang din. Hindi maiwasang mapakunot noo si Nikki sa sinabi ni Sebastian. “Kalokohan?” “Hindi ba? Anong ginagawa mo dito sa apat na sulok ng silid mo? Nagmumukmok hanggang sa pansinin ko?” “What?! Ako nagpapansin sa ‘yo? Eh, may sapak ka na pala sa utak, e!” malakas na sabi niya sa binata. Umalis siya sa pintuan at hinayaan lang iyon na nakabukas. Muntik na siyang mapatalon nang sipain ni Sebastian ang dahon ng pinto para magsara at hinarap siya. Napaisang lunok siya sa ginawa nito. “What did you say?!” Halata sa boses ni Sebastian ang inis kaya huminahon siya. Baka mawala siya sa track, kailangan niya ito. Kailangan niya ang kooperasyon ng binata. “W-wala,” aniya at ma