PARANG GUSTONG SIPAIN ni Nikki ang lalaking nasa paahan niya ng mga sandaling iyon. Ang likot ng kamay! Haplos doon, haplos dito. Kahit na may comforter nakakaramdam siya ng kakaiba. “Hmmm,” ani ng lalaking nakayakap sa kan’ya. At talagang hinigpitan! Pamilyar ang boses kaya napatanggal siya ng kumot. Nagbaba siya ng paningin kapagkuwan. “Sebastian?” aniyang sarili lang ang nakarinig. Napatalukbong siya bigla nang gumalaw ito at pumantay sa kan’ya. May espasyo pa naman. Nakapikit pa rin ito. Nanlaki ang mata niya nang pumasok ang kamay ng binata sa loob at hinila nito ang kumot para makumutan din ang sarili nito. Nahawi na rin sa kan’ya ng bahagya. Gusto niyang gumalaw pero hindi niya magawa dahil baka biglang magising ito. Hinayaan niyang mawalan siya ng kumot dahil gusto na niyang