"DOC, KAILAN NGA po ulit balik ko?" Napapitlag si Nikki sa boses ng pasyente. Wala na naman siya sarili dahil sa nangyari kaninang umaga. Hindi naman kasi niya alam na paborito na ni Sebastian ang leche flan. Parang hindi naman kasi ito kumakain ng leche flan noon, o baka nakalimutan lang niya. Matagal na kasi. Pero ang talagang dahilan kung bakit hindi niya makalimutan 'yon ay dahil sa binanggit na pangalan ng binata. Hindi kaya nagustuhan nito ang leche flan dahil gawa ni Kendra? Napangiti siya ng mapakla. Si Kendra pa rin talaga. Pansin niya, na kay Kendra na ang lahat sa paningin ni Sebastian. Puro na lang Kendra ang bibig nito. Wala siyang issue kay Kendra. Hindi siya nagagalit. May kaunting inggit lang. Masama pero ‘yon ang nararamdaman niya. Biruin mo, ilang taong nagpaka-tatay