“HAY, NAKU. UMUWI ka nga lang dito kung iiyak ka lang naman pala,” hindi mapigilang komento ng Yaya niya matapos niyang sabihin dito ang nangyari mula nang tumira siya sa bahay ni Sebastian. “‘Yon naman talaga ang gusto ko, Yaya e. Pero bakit ako ang nasasaktan?” “‘Yon nga. Effective naman ang pang-iinis mo, ang kaso, talo ka. Apektado ka, e. Mahal mo na ba siya, anak?” Matagal bago siya nakasagot, “Yaya,” “O sige, i-deny mo at ipagpatuloy ang pang-iinis sa kan’ya. Sinasabi ko sa ‘yong uuwi ka ng luhaan, anak. Kung ‘yan ang paraan mo para mapigilan ang napipintong kasal mo, wala akong magagawa. Basta tandaan mo, kapag hindi mo na kaya. Umuwi ka. Mas masakit ‘yang ginagawa mo. Hindi ka ipinanganak ng Mommy at Daddy para maging martir. At mas lalong hindi kita inalagaan at tinuruan ng ta