“WHAT NOW?” TANONG ni Sebastian sa kan’ya nang lingunin niya. Sumunod din pala siya kaagad. Pero ibinalik niya ang tingin sa damitan nito at walang pakialam sa sasabihin nito. Naghahanap ng maliit na damit nito sa closet nito. “Ikaw ang bahalang makipag-usap sa ama ko, Sebastian. Kilala mo siya. Hindi naman nakikinig ‘yan sa akin. Mas matigas ‘yon sa ‘yo.” Hinigit niya ang shirt nitong gray. Mukhang maliit ang size kaya walang sabi-sabing naghubad siya dito ng nakatalikod na bra at boxer lang nito ang suot. “F*ck! ‘Di ka man lang nagsabi nag magbibihis ka!” reklamo nito. “Virgin lang ang mata, Seb? Ha?” Nilingon niya ito na hindi pa isinusuot ang damit. “At humarap pa talaga!” “‘Wag kang OA, Sebastian. ‘Pag nakikipag-s*x ka ba sa mga babae mo, nakadamit? Sabihin mo nga!” Hindi ito nak