Chapter 31: Stressed

2703 Words

SINUNDAN NIYA NG tanaw ang papalabas na binata. Napailing siya kapagkuwan. Ang feeling naman talaga ni Sebastian. Pero ang sarap nitong asarin. Naiimagine niya tuloy ‘yong mga kinukuwento ni Cedric sa kan’ya. Napaseryoso siya at bumaba ng kama. Tumingin ulit siya sa nilabasan nito. Kailan niya kaya ito makakausap? 'Yong masinsinan ba. Alam niyang ayaw nitong magpakasal pero bakit hindi nakikipag-usap sa kan'ya? Para sana mapag-usapan nila ang dapat. Hindi naman siya sigurado sa nararamdaman niya sa dating nobyo. Baka nga, simpleng atraksyon lang. Kaya niyang labanan ang nararamdaman niyang ito dito kung sakali. Parang kagaya lang din kay Jake. Hindi kasi siya dati pinapansin noon ng binatang doctor kaya napagtuunan niya ng pansin. Ganito rin ang nangyayari ngayon sa kanila ni Sebastian.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD