KITA NIYA ANG pagsenyas ng asawa mula sa malayo na huwag siyang mag-ingay. Kaya hindi siya nagpahalata na nakita niya ang asawa. Hindi niya maiwasang mag-isip. Alam kaya nito na nandito ang ama-amahan nito? At hostage na siya? Sana, alam ng asawa. Sana pumunta ito para iligtas siya. Pero nang maalala ang huling eksena nito at ni Gabby ay napanghinaan siya ng loob. Paano kung kasabwat nito ang ama-amahan nito? Gustong bumagsak ng balikat niya pero pinigil niya. Hindi niya pinahalata nang tumingin sa kaibigan. “H-hi, Maze,” “Hello. Tumawag ako sa opisina mo. Hindi ka raw pumasok kaya dito na ako dumeretso. Are you okay? Kumusta ang pakiramdam mo?” “I’m good, Maze. Salamat sa pag-aalala. Okay lang ba kung mag-usap na lang tayo sa sunod na araw?” Tumingin siya sa gawi ng asawa na sob