Chapter 79: Revelation

1502 Words

NAG-AALALANG MUKHA NI Sebastian ang bumungad sa kan’ya matapos makapasok ang ilang kalalakihan sa condo niya. Mga tauhan pala ng asawa iyon. Kani-kaniya nang tutok ang mga ito sa mga lalaking nasa likod niya. Saglit na naghinang ang mga mata nila ng asawa. Wala man siyang narinig na salita sa bibig nito pero nandoon ang sobrang pag-aalala. Hinagod pa siya nito sabay pikit ng mata. “May bisita pala tayo, hija.” Napaangat siya ng tingin nang marinig ang boses ni Jeronimo. Ito pala ang may hawak sa kan’ya ng mga sandaling iyon. Hindi niya napansin dahil nakatuon na ang atensyon niya sa mga dumating. Akala niya, ‘yong tauhan nito. Napapikit ang kanang mata niya nang maramdaman sa bahaging sintido niya ang malamig na bakal, sabay kagat ng labi. “Bitawan mo siya, Jeronimo. Tayo ang magtutuo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD