BUMANGON SI NIKKI nang marinig ang sunod-sunod na dating ng sasakyan. Lumapit siya sa bintana para alamin kung sino ang dumating. Bahagya niyang inusog ang kurtina para matakpan siya. Nakasilip siya ngayon. Napaawang siya ng labi nang makita ang ilang kalalakihan na bumaba ng sasakyan, halos armado ang mga ito. 'Wag nilang sabihing tatadtarin siya ng bala? Wala naman siyang kalaban-laban, e. Nakaramdam siya ng takot. Ano? Mamatay na lang siyang hindi nasisilayan ang lahi? Mamatay din siyang slight na birhen? Slight na lang kasi may pumasok na daliri sa bukana niya. So 'di na masikip, medyo maluwag na siguro. Oo, gusto niyang marating ang langit, pero hindi iyon ang tinutukoy niyang langit. Hindi habang buhay na kaluwalhatian ang gusto niya, kung hindi panandalian lamang. Napangiwi siya