"HOW IS HE?" Hinihingal na tanong ni Sebastian nang makita si Kendra sa hallway ng hotel. Lakad-takbo itong lumapit sa kan'ya. "Oh God, Sebastian!" Sinalubong niya na lang si Kendra ng yakap. "Si Astin, Seb…" "Sssshhhh… Everything will be alright. Matapang si Astin, kaya 'wag kang panghihinaan ng loob. Okay?." Tangging hikbi lang ang isinagot sa kan’ya ni Kendra. Ilang sandali lang ay iginiya niya ito pabalik sa silid ni Astin. Nasa Naga sila ngayon dahil isinugod ni Kendra si Astin dahil sa mataas na lagnat, pagsusuka at pananakit ng mga kalaman. Tama nga ang hinala ng dalaga na Dengue ang sakit ngayon ng bata. Unti-unti na ring lumalabas ang ang mga rashes ng bata ayon dito. Hindi napansin ng dalaga noong na may sakit ito dahil lagi itong nakangiti at masigla sa tuwing naglalaro, k