DAHAN-DAHANG NAUPO si Nikki sa kamang kinahihigaan ni Sebastian. Inilinga rin niya ang paningin sa loob kapagkuwan. Kung susuriin ang paligid, para siyang nasa bahay ni Sebastian. Halos parehas ng disenyo sa isang bahay na napuntahan. Oo nga pala, si Sebastian at Kendra ang magkasosyo sa negosyong ito, malamang, parehas din ang gagawing disenyo ng suite nito sa bahay. Bahagya siyang nakaramdam ng lungkot nang maalala huling tagpo ni Sebastian. Pagkagaling ng binatan sa condo niya, dito raw dumeretso si Sebastian. Sa tingin niya, si Kendra nga ang dahilan kung bakit mas pinili nitong iwan siya nang gabing iyon. Gano’n kaimportante si Kendra kay Sebastian para itigil nito ang ginagawa. Yeah, nabitin siya nang gabing iyon, pero ang nagpalumo sa kan’ya kinabukasan ay ang rason kung bakit ito