HINDI PA MAN nakakarating si Nikki nang makaramdam ng pangangati sa braso. Baka kagat lang ng kung anong insekto. Maraming puno at madilim na bahagi kasi ang nadaanan niya una papunta sa bahay nila Diane. Nang sabihin niyang malapit na siya ay kaagad na lumabas ang kaibigan at sinalubong siya. Saktong naghahain na ang mga ito ng hapunan pagdating niya. Talagang dumeretso siya sa kusina nila nang sabihin nitong sinigang na bangus ang ulam ng mga ito. Matagal na siyang hindi nakakain ng bangus kasi. Meron naman sa restaurant kanina pero trip niya ‘yong seafood kasi. Natakam siya. “Sino nagluto?” Lingon niya sa kaibigan. “Si Dane, umalis kasi si Tita. Siya muna kusinero namin ‘pag matagal ako makalabas ng hotel at kapag wala si Tita.” Tumingin siya sa binatang katabi ng kaibigan. “Nikki