Balik trabaho na ang dalawa matapos ang event. Kulang man sa tulog ay nagawa pa rin nilang bumangon ng maaga upang mag-ayos sa pagpasok sa trabaho. Excited si Maverick para sa araw na iyon. Malakas ang pakiramdaman niyang magiging abala ang lahat magmula sa araw na iyon at sa mga susunod pa. Sabay muli sila sa pagpasok. Dahil si Mav ang mas maaga, tinext niya si Lilith na kasalukuyan pa lamang na nagsisipilyo nang mga oras na iyon na nasa labas na siya at naghihintay. Dahilan para magmadali ito dahil akala niya’y late na siya at mali ang oras na nasa screen ng cellphone niya. Mabilis niysng tinapos ang pagsisipilyo at nagsuklay ng buhok. Hindi na siya nakapag-makeup pa dahil lumabas na siya ng apartment at patakbong lumapit sa nakaparadang sasakyan ng binata. “Anong oras na ba?” bungad

